Mamamayagpag na naman ang sindikato ng counterfeit bills
September 2, 2005 | 12:00am
PAPASOK na naman ang buwan kung saan abala at adelantado ang lahat sa pagpasok ng kapaskuhan. Ito rin ang panahon kung saan nag-uusbungan na naman ang sari-saring mga sindikatong ang layunin ay makapagbiktimat makapanloko ng tao.
Pinaka-una sa aming listahan na dapat paghandaan ay ang sindikato ng pekeng P500 bill na kalat na di lamang sa Metro Manila kundi maging sa karatig na probinsiya.
Garapal na ang sindikatong ito dahil maging ang maliliit na denominations tulad ng P100 at P200 bills ay pinipeke na rin nila.
Wala silang pinipili. Pangkaraniwan nilang biktima ang mga mamimili sa mga tiangge, palengke at maging sa mga grocery at department stores.
Halos wala nang pagkakaiba ang peke sa orihinal na pera dahil sopistikado na rin ang pagkakagawa ng mga ito. Nagagawa na rin nilang gayahin maging ang mga security features ng Banko Sentral.
Tulad nang madalas naming sabihin, laging nauuna ang isipan ng mga malikhaing sindikato sa likod ng ibat ibang modus kaya ibayong pag-iingat ang kinakailangan ng lahat para makaiwas na mabiktima.
Bukod pa rito ang kaluwagan ng batas at parusa para sa kanila. Kumbaga, kahit ilang beses pang mahuli ang mga hayupak na ito at patuloy lamang silang magpipiyansa sa kanilang kaso, tulad na lamang ng sindikato sa Recto at Quezon City na nauna ng trinabaho ng BITAG.
Sakaling mabisto sa kanilang modus, nagpapalipat-lipat lamang ng area of operation ang kanilang grupo. Nagpapalamig at naghihintay lamang ng area of operation ang kanilang grupo. Nagpapalamig at naghihintay lamang ng timing para muling makapambiktima.
Alam na namin kung paano tatrabahuhin ang grupong ito na pinamumunuan ni Cesar at Junior Saddam. Gamay na namin ang kanilang operasyon at kapado na rin namin ang takbo sa loob ng kanilang lungga.
Ipagbigay alam sa BITAG ang anumang impormasyon ukol sa kanilang mga aktibidades na makakatulong sa agaran nilang pagkakahuli. Nakahanda ang aming patibong anumang oras.
Hotline numbers i-text (0918) 9346417 o tumawag sa mga numerong ito 932-8919/932-5310. Panoorin BAHALA SI TULFO, 9:00-10:30 a.m. UNTV, 9:00-10:00 a.m. DZME 1530 khz.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest