Ang renta ay babaan hanggang P7,000 kung hindi mapapaalis ng mag-asawa ang iba pang mga naka-okupa sa loob ng isang taon. Ayon din sa kontrata ng pagpapaupa, magbabayad ng P84,000 ang
BC direkta sa banko upang matubos ang titulo ng ari-arian at pagkaraan ay hawakan at pangalagaan ito. Binigyan din ang BC ng opsiyong bilhin ang lupat gusali sa loob ng 15 taon sa halagang P1.8 million na may pang-unang bayad sa halagang mapagkakasunduan at taon ang hulugan sa halagang P120,000.
Kaya pag pirma ng kontrata binayaran ng BC ang banko, kinuhat tinago ang titulo, inokupahan ang gusali at pinaayos ito upang magamit bilang simbahan. Mula Hunyo 1895 hanggang May 1986, hindi na nagbayad ng renta ang BC sapagkat ginamit na nila yung binayad sa banko bilang kabayaran ng buwanang renta. Pagkaraan, ibig panungkulan ng BC ang opsiyon nilang bilhin ang lupat gusali, ayon sa kasunduan. Ayon sa BC, ang dahilan o konsiderasyon daw ng kanilang pagpayag na magbitiw ng P84,000 sa pagtubos ng ari-arian ay ang mahabang panahon ng pag-ookupa at ang opsiyon na mabili ang nasabing ari-arian. Hindi raw sila papayag na mabitiw ng napakalaking halaga kundi dahil sa opsiyon. Tama ba ang BC?
MALI. Ang opsiyong bilhin ang lupat gusali ay kailangang suportado ng hiwalay na konsiderasyon at itoy dapat na malinaw na nakasaad sa kontrata. Ang P84,000 na binayad ng BC sa banko upang matubos ang ari-arian ng mag-asawa ay hindi maituturing na konsiderasyon ng nasabing opsiyon. Sa katunayan ang halagang ito binahagi na at ginamit pambayad ng renta sa loob ng isang taon. Ubos at gamit na ang nasabing P84,000.
Totoo ngang hindi kailangang monetaryo ang konsiderasyon ng op- siyon. Ngunit itoy dapat isang mahalagang empre-sa o pagsasagawa ng isang bagay na malinaw na nakasaad sa kontrata. Dito sa kaso hindi naman na nakasaad sa kontrata na ang pagtubos ng BC sa banko ang siyang konsiderasyon ng opsiyon nilang mabili ang lupa at gusali (Bible Baptist Church vs., Court of Appeals, G.R. 126454, November 26, 2004).