^

PSN Opinyon

"Mabilis na hustisya"

CALVENTO FILES - Tony Calvento -
NAGPUNTA SA AMING TANGGAPAN si Ludivina Ganate ng Novaliches, Quezon City kasama ang kasintahan ng kanyang kapatid, si Antonette upang humingi ng tulong hinggil sa kasong pagpatay sa kapatid niyang Louie Ganate.

Nakatakda na sanang ikasal si Louie sa kanyang kasintahang si Antonette subalit dahil sa isang trahedya na naganap nung bagong taon ng 2005 nag-iba ang takbo ng kanilang buhay.

Ang mga suspek sa pagpatay kay Louie ay kinilalang sina Ricardo "Ding Pingol, Cesar "Sese" Pingol at Edwing "Boying" Lim na residente rin sa Quezon City.

May matagal ng alitan ang magkabilang panig. Taong 1994 nang walang kaabug-abog na pinutol ni Ricardo ang linya ng tubig ng mga Ganate para lamang ikabit sa kanilang bahay.

"Nakita ng tatay ko, si Felipe ang ang illegal connection na ginawa ni Ricardo kaya ang ginawa niya ay binalik niya ito sa linya ng bahay namin," kuwento ni Ludivina.

Nagalit ang magkapatid na Ricardo at Cesar dahil sa ginawang pagbalik ni Felipe sa linya ng tubig kaya sumugod ito sa bahay ng mga Ganate.

"Nang magpunta sila sa bahay namin, ang kapatid ko lamang na si Evelyn ang naabutan nila sa bahay kaya umalis din ang mga ito. May dala-dala pa raw itong baril," pahayag ni Ludivina.

Pagkalipas ng ilang araw, napagdiskitahan naman ni Ricardo si Gilbert, isa rin sa mga kapatid ni Ludivina sa basketball court.

"Ang ginawa ni Ricardo sa kapatid ko ay sinapak at pinagtatadyakan niya ito pero hindi na kami nagreklamo sa nangyari dahil umiiwas na kami sa gulo," salaysay ni Ludivina.

Sa kabilang banda naman ay humingi rin ng pasensya ang mga Pingol sa nangyaring insidenteng iyon. Pagkatapos nito ay naging tahimik naman ang pamumuhay ng pamilya Pingol at Ganate.

Subalit pagkalipas ng sampung taon ay hindi nila inakalang magkakaroon na naman ng gulo sa pagitan ng pamilya Pingol at Ganate.

Bagong taon — ika-1 ng Enero 2005, sa pagitan ng alas-12 hanggang ala-una ng madaling-araw habang naglalakad si Gilbert nadaanan niya ang magkakapatid na Ricardo, Cesar at Edwin. Binati niya ito ng "Happy New Year" sabay ihip sa torotot na hawak nito. Subalit hindi naging maganda ang tugon ni Ricardo kay Gilbert.

"Ang sabi niya sa kapatid ko na, ‘Kanina happy pero ngayon nakita ko ang mukha mo hindi na.’ Tapos ang ginawa niya sa kapatid ko tinadyakan niya at pinagsasampal ang mukha," kuwento ni Ludivina.

Tumulong rin sa pananakit sina Cesar at Edwin. Nang Makita nitong bumunot ng patalim ay sinikap nitong makatakas pauwi ng bahay upang iligtas ang sarili.

Samantala hindi naman nalaman ni Louie ang nangyari sa kapatid. Tahimik si Louie at ayaw ng gulo kaya madalas ay humihingi siya ng paumanhin kung may gulo mang kinasasangkutan ang kanyang pamilya.

Papunta na sana noon si Louie sa bahay ng kanyang kasintahang si Antonette subalit hindi na ito nakarating at nakita ang nobya nang barilin ito ni Ricardo.

"Madadaanan muna kasi ang bahay ng mga Pingol bago ang bahay ng girlfriend ng kapatid ko. Nabalitaan na lamang ng pamilya niya ang nangyari sa kapatid," sabi ni Ludivina.

Ayon sa isang saksi, si Ricardo ang responsable sa pagkakabaril kay Louie. Samantala isang kapitbahay naman ang nagtungo sa bahay ng mga Ganate para ipagbigay alam ang nangyaring ito.

"Nang malaman namin ang balitang nabaril ang kapatid ko ay agad akong pumunta sa pinangyarihan ng krimen kasama ang kapatid kong si Roger," sabi ni Ludivina.

Naliligo sa sariling dugo nang maabutan nila si Louie. Agad nilang isinugod sa Bernardino Hospital upang mailigtas ang kapatid. Namatay din ito.

Agad silang nagsampa ng kaso laban sa magkakapatid na Pingol. Hangad nilang mabigyan ng katarungan ang pagkamatay ni Louie at pagbayaran ng mga suspek ang ginawa nilang krimen.

Nabinbin ang kaso ng pagpatay kay Louie ng ang Prosecutor na si Antonio Lim ng Quezon City ay magfile ng leave of absence.

Ini-ere namin ito ni Sec. Raul Gonzalez sa programang "Hustisya Para sa Lahat sa DWIZ, 882KHZ am band, nung Sabado. Agaran naman ang naging aksyon ng tawagan si QC Chief Prosecutor Claro Arellano upang mailaban ang resolusyon tungkol sa pagpatay kay Louie.

Nagrecommend ang prosecutor’s office na masampahan ng kasong MURDER ang mga akusado at NO BAIL RECOMMENDED.

NAGPAPASALAMAT kami kay QC Chief Prosecutor Claro Arellano sa mabilis na aksyon sa mga dumudulog sa aming programang "Hustisya para sa lahat…"

Para sa anumang kasong KRIMEN, KARAHASAN AT MGA LEGAL PROBLEMS, maari kayong tumawag sa aming tanggapan sa 638-7285. Maari din kayong magpunta o lumiham sa "CALVENTO FILES" o "HUSTISYA PARA SA LAHAT" 5th floor City State Center Bldg., Shaw Blvd., Pasig City.

Maari din kayong magtext sa 09213263166 o di kaya kay Sec. Raul Gonzalez, 09200672854.
* * *
E-mail address: [email protected]

vuukle comment

BAHAY

GANATE

KAPATID

LOUIE

LUDIVINA

PINGOL

RICARDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with