^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Problemang idinulot ng ‘Hello Garci’

-
HINDI pa patay ang impeachment complaint kahit kulang na kulang pa sa boto ang opposition. Kahapon ay nag-walked out ang opposition bloc. Pinagdedebatehan kung alin sa tatlong impeachment complaints ang ire-recognized. Malayo pa ang lalakbayin at maaaring umabot sa Supreme Court.

Ganoon man, kapag namatay ang impeachment complaint laban kay President Arroyo walang ibang magiging masuwerte kundi si dating Comelec commissioner Virgilio Garcillano. Nakatakas siya sa responsibilidad sa usaping siya mismo ang may kagagawan. Wala na siyang aalalahanin pa at maaari na siyang magpasarap kung saang lupalop man siya naroon. Hindi naman siya ang lumasap ng nilikha niyang gulo kundi ang taumbayan. Silang dalawa ni Mrs. Arroyo ang nag-usap (bagamat itinanggi ng Presidente) subalit ang nakalasap ng hapdi ay ang taumbayang nakalubog sa kumunoy ng hirap.

Maraming problemang idinulot ang Garci tape. Natuon dito ang pansin ng mga senador at kongresista at nabalewala na ang mga mahahalagang bagay na dapat ay unahin. Maraming problemang nakaligtaan dahil sa pagkaabala sa Garci tapes.

Tumakas si Garcillano noong July 14 sakay ng Learjet na pag-aari ng Subic International Air Charter Inc. patungong Singapore. Misteryoso ang kanyang pagtakas na maski ang piloto ng Learjet ay itinanggi na siya nagtransport kay Garcillano. Maaari raw nagtago si Garcillano sa cargo ng eroplano. Ang pagtakas ni Garcillano ay pahiwatig lamang na mayroon siyang kasalanan. Mayroon siyang iniiwasan. Kung malinis ang kanyang konsensiya hindi siya tatakas ng bansa. Kung wala siyang nagawang kamalian bakit hindi siya humarap at pabulaanan ang mga akusasyon sa kanya. Kung si Mrs. Arroyo ay inamin ang pakikipag-usap at nag-sorry, bakit hindi magawa ni Garcillano at tumakas pa nga. Sabi noon ni Garcillano, lalabas lamang siya sa tamang panahon at lugar. Bakit hihintayin pa niya iyon kung ang paniwala naman niya ay wala nga siyang nagawang kasalanan.

Kapag namatay ang impeachment complaint, magiging bukambibig pa rin ang pangalan ni Garcillano at sasambit-sambitin sa paglipas ng panahon. Hindi malilimutan ng taumbayan na mayroong isang Comelec commissioner na nasangkot sa pandaraya at nakipagtawagan sa isang Presidente. Na minsan may Comelec commissioner na nagpagamit para makamit ang ambisyon.

COMELEC

GARCI

GARCILLANO

LEARJET

MARAMING

MRS. ARROYO

PRESIDENT ARROYO

SIYA

SUBIC INTERNATIONAL AIR CHARTER INC

SUPREME COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with