Ang information ng intel report ay positibo kaya naman sangkatutak ang nasaktan sa nakahimpil na ferryboat sa may Lamitan, Basilan. Ika nga, marami ang nasaktan nang sumabog ang isang improvised bomb na iniwan ng gagong terorista.
Mukhang barado ang mga ilong ng mga authorities sa pier kaya hindi nila naamoy ng umakyat ang terrorist sa ferryboat. May ilan pang target ang mga JI mga vital installation sa Mindanao kaya kailangan ang todong pagbabantay.
Hindi birong kalaban ang mga JI mga fundamentalist ito. Sabi nga, ugaling demonyo! Kaya gustung-gusto nilang pumatay para makapaghasik ng lagim sa mga lugar na target nila mapa-bata o matanda, guwapo o pangit, tomboy o bakla basta napag-tripan nila tiyak yari tayo.
Anumang oras mula ngayon kailangan ang mahigpitang pagbabantay dahil baka may mangyari na namang milagro. Sigaw ng Philippine Army walang himala dahil sila ang bahala.
May 10 Indonesian national na members ng JI nagtatago sila ngayon ang target ng mga authorities. Madali silang hanapin ang 10 little indians este mali Indonesian pala, amoy lang ng kili-kili ng mga ito ay tiyak buko sila ang terorista.
Kahit anong oras ay puwedeng gumawa ng kagaguhan ang mga JI. Ika nga, bomba rito, bomba doon! Ang Metro-Manila ay tagilid din kaya kailangan ang dobleng pag-iingat.
Ah pero sa NAIA ay iba ang usapan dahil dehins uubra todits ang JI kahit kakarag-karag ang mga kagamitan dito matatalas ang pang-amoy ng mga bata ni MIAA general manager Al Cusi, PNP-ASG bossing Andy Caro at siyempre si retired General Angel Atutubo.
Nakabantay na ang ibat ibang security units sa NAIA, anang kuwagong dancer sa kabaret.
Sana huwag mapulitiko ang JI? sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
Kailangan magkaisa ang Pinoy para sa ganitong situation.
Ibagsak ang mga po-litiko este mali terorista pala, sabi ng kuwagong Kotong cop.
Huwag tularan ang mga pulitikong bugok.
Buhayin ang Pilipinas!