Una ko nang nabanggit kamakailan na tahasan kaming nagdedeklara ng giyera sa mga dorobong kawatan ng bigas ng bayan na walang ginawa kundi pagsilbihan ang interes ng kartel na nasa likod ng malawakang diversion sa ibat-ibang NFA District Offices.
Una sa aming listahan ang South District Office kung saan naghahari sa larangan ng pagnanakaw ng bigas si Francisco Dio. Nagmamakaawa ang mga mamimili sa lugar na ito partikular na sa Parañaque dahil wala na daw mabiling murang bigas ng NFA.
Nasisiguro namin, nakatago ang mga ito sa bodega ng hayupak na galamay ni Francisco Dio na si Jimmy Pagulayan
Ilan pa sa lugar na aming tinututukan ang probinsya ng Rizal kung saan sari-saring reklamo ang aming inaabot mula sa bayan ng Angono, Cainta, Antipolo at Tanay at Binangonan. Maging sa mga probinsyang ito, wala rin daw makitang murang bigas ng NFA
Ngayong mainit ang isyung pampulitikal, sigurado
naming nagpakasarap ang mga hayupak na sindikato sa likod ng malawakang diversion.
Sampol pa lang ang natapos naming operasyon sa INTERCITY sa Bocaue, Bulacan, kung saan sinubukan pa kaming kausapin ng kanilang bise presidente upang paboran si Julie Dalisay. Pero hindi nangangahulugang tapos na kami sa mga sindikato sa loob ng INTERCITY dahil umpisa pa lang ito.
Nakakalat na ang aming mga undercover para manmanan ang bawat district offices ng NFA maging ang mga sindikatong kasama sa mahaba naming listahan ng mga magnanakaw.
Nag-uumpisa pa lang ang laban. Abangan!