Ang plano sana ni Bro. Eddie sa PAGCOR
August 29, 2005 | 12:00am
NANG kumandidato sa presidency si Bishop Eddie Villanueva, tinanong ko siya. Kung manalo, ano ang gagawin niya sa Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR)? Akala koy mabigat na tanong ito para sa isang bible believing Christian na tumatakbo sa panguluhan. Pero mabilis ang tugon ni Bro. Eddie. Aniya, hindi mabubuwag ang PAGCOR nang basta-basta dahil itoy isang legal na ahensya ng gobyerno. Aniya "mai-impeach ako pag ginawa ko iyan."
Ngunit may paraan aniya upang baguhin ang mga pamamaraan nito sa pag-ilak ng pondo at gawing more attuned to Christian teachings at iyan ang kanyang gagawin through legal process, kung siya ang magiging Pangulo. The fact remains that PAGCOR is a legal government agency that funnels into the government coffer billions and billions of needed pesos to propell the nation.
Pero kakatwa na numero unong bumabatikos sa PAGCOR ay ilang alagad ng Simbahang Katoliko Romano na nakikinabang din sa pondo ng PAGCOR. Lumantad si Archbishop Oscar Cruz upang ibulgar ang aniyay plano ng PAGCOR na maglunsad ng "Bingo Combo" na ipapalit sa ilegal na jueteng. Para sa isang ahensyang ang ikinabubuhay ay game of chance, natural na tumanggap ito ng mga panukala na may kinalaman sa sugal. But approving or disapproving the proposal is another story.
Inamin ni Chairman Efraim Genuino na nagkaroon ng ganitong proposal pero hindi inaprobahan. In other words, matagal na ang planong ito at bago pa man ilantad ni Cruz, naibasura na. Kaya yun palang dokumentong inilantad ng obispo sa media ay mga "procedural
guidelines" lang na ginamit sa ebalwasyon ng PAGCOR kung dapat aprobahan o hindi ang proposal. Hindi ako dumedepensa sa PAGCOR. Ang pinupuntos ko ay masyado nang halata ang maniobra ng mga sektor na kontra sa Pangulong Arroyo na tila ang tanging gawain ay maghalungkat ng ebidensiya para gibain ang administrasyon. Kahit walang bigat ang ebidensya.
Hindi ko inaabsuwelto ang pamahalaan sa mga akusasyon ng katiwalian. Ngunit kung maglalantad ng ebidensya ang sino man, kailangang kapanipaniwala at hindi naglalayong mamulitika lang.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended