Maiiwasan ang baha, kung lilinisin ang estero
August 28, 2005 | 12:00am
Sinasalanta ng baha ang kalunsuran dahil sa ating walang patumanggang pagtatapon ng basura, hindi lamang sa kalsada, kundi maging sa mga kanal, ilog, lawa at mga estero. Bawat basurang itinatapon sa mga estero ay kontribusyon natin sa pagbaha. Dapat iwasan ang ganitong masamang gawain. Tandaan: Ang basura na ating itinapon ay babalik din sa atin.
Layunin ng gobyerno, sa pamamagitan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na masolusyunan ang pagbaba sa programang Linis Estero. Ang Linis Estero ay sama-samang kampanya laban sa pagtatapon ng basura sa ating mga katubigan. Layunin din nitong pagtibayin ang responsibilidad ng mga komunidad at mga industriya upang masugpo ang mapanirang gawaing ito.
Sa Linis Estero, pinagtitibay ang samahan at pagtutulungan ng mga ahensiyang pangunahing responsibilidad ay mangalaga ng ating katubigan kabilang ang DENR, ang MMDA, ang Sagip Pasig Movement, ang mga lokal na pamahalaan, ibat ibang mga industriya, kasama ang mga komunidad ng malalaking lungsod ng Maynila, Mandaluyong, Makati, Pasig, Quezon City, at San Juan. Sa Linis Estero, pinupulong ang mga komunidad, at kasunod ang pagmomobilisa ng mga pinuno, kasama ng mga volunteers at mga residente ng mga pamayanan.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended