^

PSN Opinyon

Sina Inspectors Tony Bangit at Teddy de Jesus ang mga bisita ni Lito de Guzman sa b-day niya, he-he-he!

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
ISINARA ang isang kalye sa Sampaloc noong Agosto 15 dahil birthday ng isang Lito de Guzman. Bongga ang pagkain dahil umupa pa ng isang caterer si De Guzman na sa tingin ko ay may maraming kaibigan. Siyempre pa, bondat ang mga bisita, lalo na ang mga kapitbahay ng bida natin dahil ngayon lang sila nakatikim ng ganun kasasarap na mga pagkain. Hulog ng langit si De Guzman para sa kanyang mga bisita at mga kapitbahay dahil parang fiesta ang birthday niya. Ayon sa mga pulis Maynila na kausap ko may kapwa pulis din sila na dumalo sa birthday ni De Guzman. Ang ilan sa kanila ay sina Insp. Tony Bangit, Insp. Teddy de Jesus, Weng Alcantara at Arnold Sandoval. Kilala n’yo ba sila mga suki? He-he-he! Parang pamilyar sila sa akin ah.

Buweno, para sa kaalaman ng kaibigan kong si Chief Supt. Pedro Bulaong, ang director ng MPD, si de Guzman pala ay isang gambling lord. Ayon pa sa mga pulis-Maynila na nakausap ko, si De Guzman ay may mahigit 100 butas na sa kaharian ni Manila Mayor Lito Atienza. Si de Guzman na kaya ang pumalit kina Manila bookies king Boy Abang at Apeng Sy? Siyempre pa, matibay na parang bato si De Guzman dahil ang mga pulis pala na nakita sa birthday niya ang kanyang mga protector. Get n’yo mga suki? Ayon pa sa mga pulis-Maynila ito palang si Bangit ang namamahala ng lingguhang intelihensiya ni de Guzman sa opisina ni Bulaong, sa City Hall at maging sa iba pang lokal na unit ng MPD. Ito namang si Sandoval ang lumulutang kapag naperhuwisyo si De Guzman ng opisina ni Interior Sec. Angelo Reyes, ni NCRPO chief Dir. Vidal Querol at ni Chief Supt. Ricardo Dapat ng CIDG. Kumpleto rekado si De Guzman kaya’t wala akong nababalitaan na ni-raid ang kanyang mga butas, di ba mga suki? He-he-he! Sino ba naman ang mangangahas na banggain si De Guzman eh matibay ang nakatrangko sa kanya? Talagang may nagagawa ang pera, di ba Mayor Atienza Sir?

Kung sabagay, si De Guzman pala ang nakatayong lider samantalang maraming gambling lords din ang naka-umbrella sa kanya. Sa ganitong tinatawag na umbrella kasi mga suki, ang ibang gambling lords ay sumusukob sa mga malalaking financier para mabawasan ang mga intelihensiya nila. Kagaya ni De Guzman, ang naka-umbrella sa kanya ay sina Val Adriano ng Makati City na may puwesto sa buong San Andres, Sta. Ana at Paco; si Boy Bernardo alyas Boy Hapon sa Paco rin at San Andres, si Weng Alcantara sa buong Sampaloc, at may konting butas sa San Andres at Sta. Ana; si Alvin sa Tondo, Blumentritt at Sta. Cruz at si Ganding sa Loreto at sa Sta. Ana. Pamilyar sa akin si Val Adriano dahil may puwesto rin siya sa siyudad ni Mayor Neptali Gonzales ng Mandaluyong City. Ibig sabihin niyan, malakihan na rin si Adriano.

Sa susunod na mga isyu mga suki, ilalagay ko ang mga puwesto ni De Guzman at mga alipores niya para magsisilbing giya para sa mga operatives para ma-raid ang mga ito. Sa ngayon kasi, sa tingin ko hindi muna ki-kilos ang mga bataan niya Atienza at Bulaong at maraming dahilan pa silang ilalabas para hindi mata-maan si De Guzman. Belated happy birthday na lang kay De Guzman at sana hindi kayo magsawa mga suki sa pagbibigay sa akin ng mga butas niya at ng kanyang mga alipores. Abangan!

ANGELO REYES

AYON

CHIEF SUPT

DE GUZMAN

GUZMAN

MAYNILA

SAN ANDRES

VAL ADRIANO

WENG ALCANTARA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with