Maraming umaasa na si Garci ang magiging susi para malaman ang katotohanan sa mga paratang na sina President GMA at Garci ang narinig na nag-uusap sa telepono. Sa na-wiretapped na usapan, pinasisiguro umano ni GMA kay Garci na siya ang dapat na lumamang sa bilangan sa pagka-Presidente noong 2004 elections. Itinanggi naman yan ni GMA. Wala raw siyang nagawang pagkakamali.
Hindi na makita si Garci. Totoo na mahirap hanapin ang isang tao o bagay kung hindi naman talaga hinahanap. May nagsabing hindi na dapat hanapin sapagkat nasa tabi-tabi lang si Garci. Bakit kailangang hanapin pa. May nagsabi na maraming makikinabang kung hindi na makikita si Garcillano para walang sumabit.
Sa palagay ko hindi na makikita si Garcillano dahil nga sa mga komplikasyon na maaaring sumambulat kapag napilit siyang magsalita. Habang hindi makita si Garci, patuloy naman ang pagtuturuan kung sino ang sisihin sa pagkawala ni Garcillano. Maaari raw gawing escape goats ang mga matataas na opisyal ng Bureau of Immigration, Air Transportation Office, Ninoy Aquino International Airport at pati na si DPWH Secretary Ebdane. Abangan ang susunod na kabanata.