Paglabag sa Anti-Wiretapping Act
August 27, 2005 | 12:00am
SI Mr. Monte isang teacher ay nagreklamo sa piskal matapos bugbugin ni Mario, ama ng isang estudyante niya. Sa payo ng abogado niyang si Atty. Pastor, nakumbinse si Monte na iurong na lang ang reklamo kung iuurong din ni Mario ang reklamo nito na pang-aapi sa anak.
Kaya tinawagan ni Atty. Pastor si Mario upang sabihin dito na kumbinsido na si Monte na iurong ang reklamo sa ilalim ng ilang kondisiyones. Pinatawag uli ni Mario si Atty. Pastor dahil i-kokonsulta raw muna niya sa kanyang abogadong si Atty. Manny. Noong tumawag muli si Atty. Pastor, nakinig si Atty. Manny sa telepone extension ni Mario. Napakinggan niya na nanghihingi si Atty. Pastor ng P8,000 upang i-urong ang reklamo ng kanyang kliyenteng si Monte. Sa tingin ni Atty. Manny, itoy isang extortion. Kaya sa tulong ng mga pulis, naaresto si Atty. Pastor matapos tanggapin nito ang P8,000 na inabot sa kanya sa isang restoran. Siyay kinasuhan ng extortion. Nilakip sa reklamo laban sa kanya ang sinumpaang salaysay ni Atty. Manny na naglalahad ng lahat ng narinig niya sa telephone extension. Bilang ganti naman sinampahan din ni Atty. Pastor sina Atty. Manny at kliyente nitong si Mario nang paglabag sa anti-Wiretapping Act o RA 4200.
Matapos ang paglilitis na sentensiyahang mabilanggo ng isang taon sina Manny at Mario dahil sa paglabag sa RA 4200. Ang pagkikinig daw ni Manny sa telephone extension ni Mario na hindi alam at walang pahintulot ni Pastor ay labag sa nasabing batas dahil ang telephone extension daw ay isa sa mga aparatong pinagbabawal ng nasabing batas. Tama ba ang Korte?
MALI. Tinutukoy ng batas ang pagtiktik sa kawad o kable o paggamit ng aparato upang palihim na maharang, madinig at ma-rekord ang komunikasyon. Ang extension telephone ay hindi sakop ng aparatong tinutukoy ng batas.
Ang aparato rito ay ang anumang instrumentong ginagamit upang i-tap ang linya ng telepono. Itoy mga instrumentong hindi karaniwang ginagamit at lingid sa kaalaman ng kausap sa telepono. Ang telephone extension ay isang ordinaryong instrumentong ginagamit ng maraming tao ngayon. Karaniwang pinapalagay na ang isang taong tumatawag sa telepono ang tinatawagan niya sa kabilang telepono ay may telephone extension kayat hindi na masasabing ang usapan nila ay hindi maririnig ng iba sa extension.
Katulad lang ito sa mga naririnig sa party line na hindi naman pinagbabawal ng nasabing batas. (Gaanan v. Intermediate Appellate Court, 145 SCRA 112).

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended