Si Francis Dy P700,000 cash ang nakuha, si Claro Jose cash P300,000, kay Adora Ybora, P600,000 cash at sa owner ng Angay Rice Mills P1 million cash. Ang masama tinodas pa ang driver nito sa may tulay ng Barangay Iyam, Lucena City. In broad daylight lahat ang operasyon.
Kaya naman duda ng mga negosyante na may kasabwat na rakpadudels ang mga holdaper kasi up to now alaws pang nahuhuling suspects. Napakaliit ng kalye sa Lucena City para mabilis na maka-eskapo ang mga tirador dito. Itinuturo ng mga lespiak ang grupo ni Ka Roger Rosal na utak daw ng holdapan.
Dehins naman naniniwala ang mga kuwago ng ORA MISMO, sa bintang ng mga rakpadudels na NPA ang sangkot. Ang masama baka ang grupo pa ni Ka Roger Rosal ang makasungkit ng mga holdaper tiyak may paglalagyan ito. Ika nga, makakausap nila si Lucifer ng wala sa oras.
Ang palagay ng mga kuwago ng ORA MISMO, kaya sangdamakmak ang holdapan sa Lucena City ay dahil talamak na naman ang jueteng dito at droga. Marami kasing nagugumon na kabataan kaya sangkaterba ang adik at manunugal todits.
Ano kaya ang ginagawa ni Supt. Conrado Capa, chief of police ng Lucena City? tanong ng kuwagong kabig ni Bigote.
Baka natutulog sa pansitan.
Mali ka diyan kamote naghihintay sila ng bola ng jueteng ni Jamon, anang kuwagong SPO-10 sa Crame.
Bakit may jueteng ba sa Lucena City? tanong ng kuwagong malakas manisip ng tahong.
Graaaaaaaaaaaaabbbbbbbbbbeeeeeeeee kamote!