^

PSN Opinyon

Serye ng holdapan sa Lucena City

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
SUNUD-SUNOD ang holdapan sa Lucena City malaking pitsa ang nakulimbat ng mga tirador. Sabi nga, hindi biro! Puro mayayamang Tsinoy ang mga biktima. Ang modus operandi, paglabas sa banko, ilang metro lang ang layo nila mula todits nahoholdap na ang mga negosyante.

Si Francis Dy P700,000 cash ang nakuha, si Claro Jose cash P300,000, kay Adora Ybora, P600,000 cash at sa owner ng Angay Rice Mills P1 million cash. Ang masama tinodas pa ang driver nito sa may tulay ng Barangay Iyam, Lucena City. In broad daylight lahat ang operasyon.

Kaya naman duda ng mga negosyante na may kasabwat na rakpadudels ang mga holdaper kasi up to now alaws pang nahuhuling suspects. Napakaliit ng kalye sa Lucena City para mabilis na maka-eskapo ang mga tirador dito. Itinuturo ng mga lespiak ang grupo ni Ka Roger Rosal na utak daw ng holdapan.

Dehins naman naniniwala ang mga kuwago ng ORA MISMO, sa bintang ng mga rakpadudels na NPA ang sangkot. Ang masama baka ang grupo pa ni Ka Roger Rosal ang makasungkit ng mga holdaper tiyak may paglalagyan ito. Ika nga, makakausap nila si Lucifer ng wala sa oras.

Ang palagay ng mga kuwago ng ORA MISMO, kaya sangdamakmak ang holdapan sa Lucena City ay dahil talamak na naman ang jueteng dito at droga. Marami kasing nagugumon na kabataan kaya sangkaterba ang adik at manunugal todits.

‘‘Ano kaya ang ginagawa ni Supt. Conrado Capa, chief of police ng Lucena City?’’ tanong ng kuwagong kabig ni Bigote.

‘‘Baka natutulog sa pansitan.’’

‘‘Mali ka diyan kamote naghihintay sila ng bola ng jueteng ni Jamon,’’ anang kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘Bakit may jueteng ba sa Lucena City?’’ tanong ng kuwagong malakas manisip ng tahong.

‘‘Graaaaaaaaaaaaabbbbbbbbbbeeeeeeeee kamote!’’

ADORA YBORA

ANGAY RICE MILLS

ANO

BARANGAY IYAM

CLARO JOSE

CONRADO CAPA

KA ROGER ROSAL

LUCENA CITY

SI FRANCIS DY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with