"Sinagasaan na... kinasuhan pa!"
August 26, 2005 | 12:00am
ISA NA NAMANG LIHAM ANG AKING NATANGGAP MULA SA AKING EMAIL. ITO AY GALING KAY FATTY PENERA AT ANG KANYANG EMAIL ADDRESS AY fattypenera_00 @yahoo.com.
Dear Mr. Calvento:
Good day sir! I am Fatty Penera, 22 yrs old, from Taytay Rizal, I wrote you an email because I just want to ask help from you sir regarding with the problem of my neighbor.
Noong 14 ng Agosto mga bandang 10:30 ng gabi, araw ng linggo nabangga ang sinasakyang motor ng magpinsan na sina IAN TERANA at ROBERTO TERANA na parehas na nakatira sa Palmera 2, Taytay, Rizal at si Ian ang nagmamaneho ng motor at nakaangkas sa kanya si Roberto) ng isang owner type jeep na minamaneho ni RUEL GUITIEREZ sa harap po ng aming subdivision na Palmera 2, Taytay Rizal, agad na namatay si Roberto habang si Ian naman ay lubhang nasugatan sa kaliwang paa.
Ang driver ng jeep imbes na tulungan ang kanyang nabundol nagbalak pa itong atrasan si Ian ng makita ito ni Ian agad siyang gumapang papatabi sa gilid (ito ay ayon sa salaysay ni Ian). Ang driver ng jeep naman ng makita niya na gumagapang na si Ian sa tabi.
Agad naman niyang itinabi ang kanyang sasakyan sa kabilang gilid ng kalsada, bumaba naman ang driver ng jeep na ito ngunit hindi naman niya tinulungan na madala sa ospital ang kanyang mga biktima, kundi pa sa mga taong bayan na andoon at nakasaksi sa mga pangyayari eh wala pang magdadala sa kanya sa ospital. Habang si Roberto naman ay tumilapon ng ilang metro mula sa pinangyarihan ng aksidente at ito ay wala ng buhay!Inabot pa ng ilang oras bago dumating ang mga pulis gayong may istasyon ng pulis na malapit sa Palmera 2, sa Tikling lamang ay may istasyon na ng pulis, mga limang metro lamang ang layo nito sa Palmera 2.
Ang masakit nito pagdating sa presinto ng kaanak ng biktima, andoon na din ang driver ng jeep at mga kaanak nito, sila ay kinukuhanan na ng testimonya ng mga pulis, ni wala man lamang umasikaso sa mga kaanak ng biktima ang nakakainis pa dito ang kaanak pa ng biktima na si Aling Ester ang inutusan ng pulis na kumuha sa salaysay ni Ian (na nabalian ng kaliwang paa) ni hindi man lamang sinamahan ng mga pulis itong si Aling Ester para kumuha ng testimonya ni Ian na nuong mga sandaling yun ay nailipat na sa St. Lukes Hospital.
Si Ester pa mismo ang nagtanong, nagsulat at nagpa-computer sa testimonya ni Ian, ang tanging ginawa na lamang ng mga pulis na iyan ay pumirma sa statement ng biktima.
Habang inaasikaso naman ng mga pulis ng Taytay itong driver ng jeep ayon na rin mismo kay Ester at sa aming kapitbahay na kasama nitong pumunta sa istayon ng pulis na amoy alak ang driver ng jeep at sa medical ng driver ng jeep hindi man lang ito kinunan ng urine sample para malaman kung ito ay nakainom o hindi. Hinayaan lamang ito ng mga iresponsableng pulis ng Taytay.
Hindi agad naisampa ang kaso nung gabing yun kaya nakalaya na ang driver ng jeep, iyon ay dahil ipina-ikot ikot pa nila ang kaanak ng biktima at sa kadahilanang wala nang umasikaso sa kanila at sinabihan pa sila ng isang pulis ng Taytay na baka ang kapatid nila na si Ian ang makulong dahil sa pangyayari.
GAGO ba siya, halos maputol na nga ang paa nung tao at namatay pa ang kanyang pinsan siya pa ang makukulong. Maliwanag na kinatigan ng pulis ang testimonya ng driver ng jeep na sila pa ang binangga ng motor.
Ang masakit pa nito nag counter-charge pa daw ang driver na sila pa daw ang binangga ng motor at wala daw silang kasalanan.
Isang malaking KALOKOHAN. Paano mangyayari yun ganung papaliko na ang motor sa gate ng subdivision ng Palmera 2?
Mahigit isang linggo na ang nakakalipas ngunit hindi man lamang lumalapit ang driver ng jeep para magbigay ng tulong na pinansyal o maski makiramay man lamang sa mga kaanak ng biktima parang wala lang nangyari.
Nakatakda naman iuwi ngayong Biyernes, August 26, si Roberto Terana sa Bohol upang duon ilibing. Si Ian Terana naman ay nailipat na sa Orthopedic Hospital at kasalakuyan namang sumasailalim pa rin sa ibat-ibang operasyon.
Ang gusto ko lamang sir, matulungan ang pamilya ng biktima laban dun sa driver ng jeep na si Ruel Gutirez at sa mga inutil na pulis ng Taytay.
Hindi na alam ni Aling Ester ang kanyang gagawin dahil magpasahanggang ngayon ay tuliro pa ang utak dahil sa mga pangyayari.
Nakaset ang Preliminary Hearing sa Piskal sa 30 ng Agosto, sa RTC Pasig ngunit hindi pa rin alam kung may maganda ba itong kahihinatnan o wala.
Sana mabigyan ng importansya ang email kong ito. Isa lamang po akong simpleng mamamayan na gustong makapagbigay hustisya sa mga ganitong pangyayari at maituwid ang anumang mali laban sa maling sistema ng kapulisan.
Kung meron pa kayong ibang tanong tungkol sa kasong ito ibibigay ko sa inyo ang kontak number ni Aling Ester ang kapatid at pinsan ng biktima na sina Ian at Roberto.
Lubos po akong umaasa sa inyong tugon. Sana po matulungan nyo po ang aming kapitbahay.
MARAMI PONG SALAMAT
FATTY PENERA
(Address withheld)
AKO AY NANANAWAGAN sa pamilya ng mga biktima at kay Fatty Penera na magpunta agad sa aming tanggapan sa 5th Floor City State Center Bldg., Shaw Blvd., Pasig City sa opisina ng "CALVENTO FILES" at ng "Hustisya para sa Lahat."
Kasama ko si Sec. of Justice Raul M. Gonzalez sa opisinang ito na ang layon ay makapagbigay serbisyo publiko para sa ating mga kababayan na may Legal Problems, biktima ng krimen at karahasan.
MAARI DIN KAYONG TUMAWAG SA 638-7285, 637-3965-70. MAARI DIN KAYONG MAGTEXT SA 09213263166.
E-mail address: [email protected]

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest