Krisis edukasyon hindi nahaharap
August 26, 2005 | 12:00am
KRISIS na ang pampublikong edukasyon. Anim lang sa bawat 1,000 nasa Grade 6 elementary ang handang mag-high school. Dalawa lang sa bawat 100 4th-year high school students ang handang mag-college. Labing-siyam lang sa bawat 100 guro sa public school ang kaya at kumpiyansa magturo ng Ingles. Sa 45 bansa, No. 41 ang Pilipinas sa Science at No. 42 sa Math. Isa sa bawat walong iskuwela ang kulang sa guro, kaya ang teacher-to-pupil ratio ay 1:50 pataas. Isa sa bawat pitong mag-aaral ay walang classroom; isa sa bawat lima ang walang desk. Isa sa bawat tatlo ay wala ni isang textbook; isa sa bawat apat ay nakiki-share ng textbooks sa kaklase.
Dalawang dekada nang palubog ang sistema ng edukasyon. Pero hindi pinapansin ng lipunan o pamunuan. Bago pa man mamuntikan ang fiscal crisis, bago pa man nagtaasan ang presyo ng langis, bago pa man na-expose ang jueteng payolas at "Hello Garci", nilahad na ang nakakakilabot na statistics. Iba pa rin ang inatupag ng mga magulang at politiko.
Kasalanan natin lahat ito: Magulang, Simbahan, negosyante, gobyerno. Nung lumabas na 7,000 lang sa 1.2 milyong Grade 6 graduates ang pumasa sa High School Readiness Test (gradong 75 pataas), naglatag ang DepEd ng isang taong bridge program. Umangal ang mga magulang na kesyo dagdag-gastos lang ito. Ang mga obispong Katoliko, hinaharang ang family planning program para ma-espasyohan ang pag-aanak at maalagaan nang lubos ang mga bata. Ugali ng mga negosyante na dayain ang buwis, kaya kapos ang pantustos sa public schools at mahinang klase ang nakukuhang empleyado. At puro nakawan at away ang inaatupag ng mga nasa gobyerno, imbis na lutasin ang krisis.
Edukasyon ang susi sa pag-angat mula sa kahirapan at kabobohan. Tinatayaan ng mahihirap na magulang ang mga anak para iahon sila. Pero kung wala naman natututunan ang mga ito, hindi makakakuha ng magandang trabaho. Magiging pabigat lang sa tumatandang magulang. At kapag nagkaanak na rin ang mga kulang sa edukasyon, pulpol din ang bagong henerasyon dahil sa malnutrition.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended