EDITORYAL Kulang sa ngipin ang batas kaya maraming mandurugas
August 26, 2005 | 12:00am
HINDI sapat ang political will para madurog ang mga corrupt sa bansang ito. Kailangan din ay may ngipin ang batas. Iyan ang binitiwang pananalita ni Tony Kwok Wan-Mai, ang special adviser ni President Arroyo laban sa corruption. Wala raw legal system sa Pilipinas kaya marami ang nangungurakot. Si Kwok, 58, ay dating deputy commissioner at pinuno ng Hong Kongs Independent Commission Against Corruption. Sa kanyang pamumuno laban sa corruption nawalis niya ang mga kurakot doon. At ang sabi niya, madali lang mawalis ang corruption sa Pilipinas. Kung ikukumpara ang Pilipinas sa Hong Kong mas matindi ang corruption doon
May political will pero walang legal system sa Pilipinas. At ayon nga kay Kwok, hindi sapat ang political will kailangan ay may legal system kung saan seryosong talakayin ang kaso ng mga corrupt, dalhin sa Korte at ikulong sila. Ganyan ang nararapat para madurog ang mga corrupt sa bansang ito.
Tama si Kwok. Wala ngang legal system sa bansang ito. Nasabi niya ito sapagkat lumabas sa pag-aaral ng Supreme Court na inaabot ng pitong taon ang kaso bago maisampa sa Sandiganbayan. Hindi makapaniwala si Kwok sa nalaman. Pang-world record daw ito. Imagine, inaabot ng pitong taon ang kaso bago makarating sa Sandiganbayan. At baka lalong manlaki ang mga mata ni Kwok kapag nadiskubre na sa tagal nang pamamayani ng mga corrupt sa mga ahensiya ng gobyerno ay wala ni isa mang nabibilanggo. Pawang imbestigasyon lamang ang nangyayari.
Kamakalawa, isang babaing empleado sa Customs ang sinampahan na ng kaso ng Sandiganbayan dahil bumagsak sa lifestyle check. Mabuti naman at umabot na sa Sandiganbayan ang kaso niya pero gaano kaya naman katagal bago maibaba ang hatol. At ano naman ang hatol ng Korte? Suspensiyon?
Ang babaing empleado sa Customs ay may sahod lamang na P300,000 annually pero marami siyang mamahaling sasakyan, may ekta-ektaryang lupain at nakapagta-travel sa ibat ibang bansa kasama ang pamilya. Siguro rin ay nangingintab ang kanyang katawan sa alahas.
Ganitong mga klaseng corrupt ang madali lang daw maitapon sa kulungan ayon kay Kwok. Iyan ay kung may legal system ang Pilipinas. Kaso nga ay wala kaya, patuloy ang mga corrupt. Wala silang takot at hindi nababahag ang buntot. Sana ay magdilang-anghel si Kwok na mawalis na ang mga salot.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest