Masaya sa Manda dahil b-day ni Mayor Gonzales at masaya rin ang financiers ng mga sugalan doon
August 24, 2005 | 12:00am
MAGKAKAROON ng isang linggong kasayahan sa Mandaluyong City bunga sa birthday ni Mayor Neptali Gonzales sa Aug. 29. May paboksing, at iba pang sports activities concert, medical missions at job fair para sa 800 na trabaho para sa qualified na residents. Bongga! Ipagdiriwang o gugunitain rin ang ika-109 anibersaryo ng Unang Himagsikan o 1896 Revolution sa pamamagitan ng dalawang misa. Siyempre ang highlight ay ang concert ng Himig Pinoy na kinatampukan ng Mabuhay Singer sa Plaza Tatlong Bayani sa Barangay Hagdang Bato Itaas. May inagurasyon din sa mga bagong tayo na mga pasilidad si Gonzales. O hayan, halos puno ang schedule ni Gonzales sa ngayon at sa tingin ko masaya ang taga-Mandaluyong sa isang linggo. Teka pala, hindi ba na itong mga aktibidades ay ginagawa rin noon ni dating mayor at ngayon City Rep. Benhur Abalos? Nangopya lang ang mga bata ni Gonzales? He-he-he! Ang sa akin lang kung saan masaya ang taga-Mandaluyong, doon tayo, di ba mga suki?
Siyempre, kung masaya ang taga-Mandaluyong lalo na siguro ang mga financiers at maintainers ng pasu-galan doon, lalo na si SPO3 Richard Chito Masilang, dahil isang linggo silang hindi mapapansin. Kaya nararapat lang na magbunyi sila lalo na kung hindi sila nagbibigay ng lingguhang intelihensiya sa kapulisan nila. Kung may panahon si Gonzales at ang bata niyang si Tolongges este si Tolome pala, narito ang mga puwesto ng bookies sa karera sa kanilang lugar. Yan ay kung talagang seryoso si Gonzales at Tolongges sa paglinis ng siyudad nila ng mga illegal. Si Mila ang nagpapatakbo ng bookies sa J. Luna; sina Irene at Racy sa M. Vasquez; JR sa Burol; Arnel sa Nueve de Pebrero; Raquel sa San Jose; Ponga at Boy sa Agupay; Ched sa San Jose Kabiga; Ly at Kontang sa Hulo Matamis, Rose at Star sa Luna, at Diday sa A. Luna. O hayan, dapat ipahabol ni Gonzales sa mga operatiba ng anti-vice unit na pinamumunuan ni Victor Espinosa ang mga butas ng bookies sa siyudad niya para lalong malinis ito. Ewan ko lang kung anong drama ang gagawin ni Espinosa eh hindi naman kaila sa taga-Mandaluyong na patuloy na umiikot ang bata niyang si Onyok Alvaran. He-he-he! Sabi ko nga bat may malalim na dahilan ang pananalasa ng anti-vice unit sa mga unang araw ng pag-upo ni Espinosa.
Isama ko na sa mga masasayang kaluluwa sa Mandaluyong si Tolongges este Tolome pala. Siyempre, tiyak na magkakaroon na naman ng dahilan si Tolome para magkamal ng salapi sa kadahilanang birthday nga ni Gonzales. Putok na kasi sa Mandaluyong na si Tolome ang taga-gawa ng pera tago man o hayagan. Totoo kaya ito Mayor Gonzales Sir? Totoo rin ba na may balak tumakbo sa pulitika si Tolome sa darating na halalan? Sobrang buwenas naman si Tolome, di ba mga suki? Kung masaya man si Tolome at mga taga-Mandaluyong City sa kaarawan ni Mayor Gonzales, kabaligtaran naman ang nararamdaman ni Boy A. Alam nyo na kung bakit, di ba mga suki? Advance Happy Birthday na lang kay Mayor Gonzales!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest