^

PSN Opinyon

Walang permanenteng kaibigan sa pulitika

HALA BIRA - Danny Macabuhay -
MAHIRAP maintindihan ang mga nangyayari sa Pilipinas. Katulad ng pagpatay kay Ninoy Aquino na hanggang ngayon ay hindi pa nalulutas ang kaso. Kahit na naging President ang kanyang maybahay na si Cory Aquino wala ring natukoy kung sino ang "utak" sa pagpaslang. Natapos ang termino ni Cory ay wala pa ring nangyari sa nasabing kaso laban kay Macoy. Sinasabi nila na ito raw ay dahil sa pulitika.

Mahirap ding maintindihan ang plunder case laban kay dating President Erap Estrada. Kahit na nakakulong, may mga balitang hindi isang bilanggo si Erap sapagkat pinapayagan naman itong gawin ang bawat naisin. Nangyayari raw ito dahil sa pulitikahan kung kaya pati diumano si Senator Loi at anak na si Jinggoy ay hindi nahirapang manalo bilang mga senador kahit na mahigpit na kalaban ng administrasyong Arroyo.

Mahirap maintindihan ang nangyayari kay Sen. Ping Lacson. Sa tindi ng paninira at pagbanat ni Ping kay GMA, inaasahan na gagantihan ito ng kampo ng Presidente. Tutal naman, hindi lamang tungkol sa Kuratong Baleleng ang ikinakaso kay Ping kundi marami pa. Pero, ayun, hindi lamang nalusutan ang mga kaso niya kundi nanalo pang senador at nilabanan pa si GMA sa pagka-pangulo. Nangyari ito dahil sa pulitika.

Sa Pilipinas, malaki ang kinalaman ng salapi at pansariling interes sa pulitika kaya tinataguriang bulok ang pulitika sa ating bansa. Sa pulitika, walang permanenteng kaibigan at wala ring permanenteng kalaban. Depende ang lahat kung ano ang makakabuti sa sarili. Puwede ring mangyari ‘yung kunwari, magkalaban sa pulitika, yun pala, may cashunduan. Sa dumi ng pulitika, hindi na makita kung ano ang tama at kung ano ang mali.

CORY AQUINO

KAHIT

KURATONG BALELENG

MAHIRAP

NINOY AQUINO

PING LACSON

PRESIDENT ERAP ESTRADA

PULITIKA

SA PILIPINAS

SENATOR LOI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with