^

PSN Opinyon

"Sagipin ang Batangas State University…"

CALVENTO FILES - Tony Calvento -
NAGPAPASALAMAT AKO SA LAHAT NG MGA NAGPAPADALA NG LIHAM SA AKING E-MAIL ADDRESS. NAIS KO RING BIGYANG-PANSIN ANG MGA ITO AT NARITO ANG DALAWANG LIHAM NA HUMIHINGI NG TULONG.

Dear Mr. Calvento


Greetings in the name of the Lord! Ako po ay isa sa mga avid readers n’yo ng Pilipino Star Ngayon.  Naisipan ko pong kayo ang hingan ng tulong sa sitwasyon ng isang eskwelahan dito sa amin sa Batangas, ang BSU o Batangas State University.  Sa ngayon po ay nagsasagawa ng boycott ang mga estudyante dito, partikular ang mga Engineering students (lahat ng Engineering courses mula 1st-5th year) sa kadahilanang ayaw bumaba sa puwesto ng Presidente nito na si Ernesto de Chavez sa kabila ng kautusang ipinalabas ng Ombudsman dahil siya ay napatunayang guilty sa mga kasong isinampa sa kanya ng isang dating teacher doon na si Mrs. Nora Magnaye.  Bale 4 po sila na hinatulan ng Ombudsman ng dismissal from service sina Ernesto de Chavez, Rolando Lontoc Sr., Rolando Lontoc Jr. at Porfirio Ligaya.

Ako po ay humihingi ng tulong sa inyo sapagkat ako po ay may mga kapatid at pamangkin na nag-aaral dito. Bale po ay pa-3 na ngayong boycott ang mga estudyante at maaaring tumagal pa ito.  Bago po nangyari ang pag-boycott na ito.  Nagkaroon ng pagpupulong noong nakaraang linggo ang Board of Regents sa mga Student Leaders.  Nag-alsa ang mga estudyante dahil habang nagpupulong ay hindi maipaliwanag ng board of regents ang mga binabayarang fees ng estudyante kapag nag-eenrol.  Isipin nyo pong State University ito pero mas mataas pa o halos kasingpantay ng presyo ng tuition sa mga private schools dito.  Yung isang pamangkin ko po ay nag-enrol ngayon ng 1st year doon ang binayaran po ay Php20,700.  Kung tutuusin po ay hindi dapat ganyan ang bayaran.  Dito po ay halos Php11,000 na ang miscellaneous at may iba pang mga fee na binabayaran tulad ng mga ID Fee bawat semester pero di naman napapalitan ang ID, internet fee na ’di naman nagagamit at kung anu-ano pa po.

Sa pagkakaalam ko po ay walang nakikialam na opisyal dito tungkol sa problemang ito.  Hindi ko po alam kung sino ang dapat lapitan at hingan ng tulong.  Kawawa naman po ang mga estudyante at mga magulang na nagpapakahirap at nagkakautang mapag-aral lamang ang kanilang mga anak.  Sa nakuha ko pong impormasyon ay hindi pa daw hawak ng Board of Regents(na karamihan naman po ay kamag-anak at mga "tuta" ni De Chavez) ang hatol ng Ombudsman sapagkat ito daw po ay sa opisina ng Civil Service Commission ipinadala.  Ang katwiran po ng Board of Regents ay hindi pa daw hina-hand-out sa kanila ng CSC ang nasabing hatol.

Ang 3 pong nabanggit kong kasama ni De Chavez na hinatulan ng Ombudsman ay related din sa kanya sapagkat ito po ay bayaw at pamangkin niya. Humihingi po ako ng tulong sa inyo na matulungan ang mga estudyante at maging mga propesor ng BSU. Sapagkat ang mga propesor din po rito ay nakakaranas ng pangha-harass mula sa Management. Sana po ay mabigyan ninyo ito ng AGARANG AKSYON. Maraming Salamat po at Mabuhay Kayo!

Mamertha "Bhaby" De Castro


ANG PANGALAWANG LIHAM NA HUMIHINGI NG TULONG AY GALING KAY ALVIN VALDEZ TUNGKOL SA KANILANG PROBLEMA SA SSS.

Sir,


Last December 2002 po ay namatay ang aking biyenan na babae pero meron po siyang asawa na may iba nang pamilya 5 months pa lamang po ang kanilang bunsong anak ay umalis na ito na ngayon ay 25 years old na at nagsama na sila ng kanyang bagong asawa magpahanggang ngayon. Ilan taon na rin po kasi naming nilalakad ang Social Security System (SSS) upang ang Lump Sumo pera na makukuha namin ay maipagpagawa sa bahay na naiwan ng aking biyenan na babae subalit magpahanggang sa ngayon po eh wala pa ring nangyayari sa aming paglakad sa SSS.

Ayon po sa kanila (SSS) requirements daw po ang asawa o yung biyenan ko na lalaki ang magpupunta or maglalakad subalit nahihirapan po kami na siya ay aming imbitahan upang magpunta rito sa Manila at lakarin ang mga dapat na papeles sa kadahilanan na siya ay naoperahan sa mata (katarata) last year po yun.

Sana po Mr. Calvento na kami ay inyong matulungan sa aming suliranin sa kadahilnan po na ang bahay na aming tinitirahan ay unti-unti nang nabubulok at nasisira sa ngayon nga po ay nangungupahan na ang isa kong bayaw at kanyang pamilya dahil natatakot po sila na baka bumagsak ang sahig ng bahay sa ikalawang palapag. More power and God bless you.

Lubos na gumagalang,

Alvin Valdez


MGA KAIBIGAN, ang lahat ng gustong lumiham sa akin ay maaring ipadala sa "CALVENTO FILES" 5th Floor, City State Center Bldg., Shaw Blvd., Pasig City.

PARA SA ANUMANG COMMENTS O REACTIONS, MAARI KAYONG TUMAWAG SA 638-7285, 637-3965-70. MAAARI RIN KAYONG MAG-TEXT SA 09213263166.
* * *
E-mail address: [email protected]

ALVIN VALDEZ

BATANGAS STATE UNIVERSITY

BOARD OF REGENTS

CHAVEZ

DE CHAVEZ

MR. CALVENTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with