Ganito rin ang sinapit ng Bgy. Panoypoy sa Calbayog City na upang masugpo ang epidemya ng tigdas sa buong barangay ay nagpatupad ng tamang pamamahala ng basura at nagtagumpay sila. Nahinto ang epidemya, at ipinagpatuloy na ng mga mamamayan ng Bgy. Panoypoy ang kanilang magandang simulain.
Isang Kariton Pangkabuhayan naman ang itinaguyod ng Bgy. Holy Spirit sa Quezon City upang matulungan ang mga naninirahan sa barangay. Mayroon ding itinayong Bayanihan Redemption Center kung saan pinagbubukod-bukod ang mga basura, at ang mga bagay na maaari pang magamit ay nire-recycle. Ang tagumpay ng Bgy. Holy Spirit ay isang patunay na ang tamang pamamahala ng basura ay maisasagawa kahit sa isang napakalaki at napakataong lugar at ang katotohanang may pera sa basura.
Natatangi rin ang Bgy. Bued sa Calasiao, Pangasinan sa pagpapatupad ng patakarang No segregation No collection. Sa barangay na ito, sama-sama ring binuhay ng mga mamamayan ang dating patay na ilog Parongking.
Ang Bgy. Sta. Cruz sa Sto. Tomas, Batangas naman ay masigasig na nagsusulong ng isang maayos at sistematikong Materials Recovery Facility (MRF) system kung saan pinagbubukod-bukod ang mga basura ayon sa uri, tulad ng nabubulok at hindi nabubulok. Sa sistemang ito, kumikita ang Bgy. Sta. Cruz na ginawang pantustos sa ibat ibang mga programang pangkabuhayan. Pinatutunayan lamang na ang pamamahala sa basura ay sagot din sa problemang pangkabuhayan.
Tunay na mga huwaran ang nasabing limang barangay, mga huwaran ng disiplina, pagkakaisa, at pagtitiyaga. Ito ang mga barangay na magsisilbing magandang halimbawa sa iba pa, para sa ikatutupad ng mga proyektong pangkabuhayan, habang pinangangasi- waan ang ating mga basura, at para sa ikaaayos ng ating bansa.