^

PSN Opinyon

Limang barangay huwaran sa pamamahala ng basura

HINDI PA TAPOS ANG LABAN - Mike Defensor -
(Huling Bahagi)
TULAD na lamang ng pagkakaisa ng mga mamamayan ng Bgy. Linomot sa Jones, Isabela na nasalanta ng bagyong Hururot noong 2003. Sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga materyales galing sa mga nasira ng bagyo ay kumita ang barangay ng P38,000 na ipinagpatayo nila ng isang tilapia fishpond. Ito ang pinagmumulan ng kanilang pangkabuhayan sa kasalukuyan, patunay na maaaring sa isang hindi kanais-nais na pangyayari ay may maibubungang maganda para sa mga mamamayan, sa kanila na ring pagtutulungan.

Ganito rin ang sinapit ng Bgy. Panoypoy sa Calbayog City na upang masugpo ang epidemya ng tigdas sa buong barangay ay nagpatupad ng tamang pamamahala ng basura – at nagtagumpay sila. Nahinto ang epidemya, at ipinagpatuloy na ng mga mamamayan ng Bgy. Panoypoy ang kanilang magandang simulain.

Isang Kariton Pangkabuhayan naman ang itinaguyod ng Bgy. Holy Spirit sa Quezon City upang matulungan ang mga naninirahan sa barangay. Mayroon ding itinayong Bayanihan Redemption Center kung saan pinagbubukod-bukod ang mga basura, at ang mga bagay na maaari pang magamit ay nire-recycle. Ang tagumpay ng Bgy. Holy Spirit ay isang patunay na ang tamang pamamahala ng basura ay maisasagawa kahit sa isang napakalaki at napakataong lugar at ang katotohanang ‘‘may pera sa basura.’’

Natatangi rin ang Bgy. Bued sa Calasiao, Pangasinan sa pagpapatupad ng patakarang ‘‘No segregation – No collection.’’ Sa barangay na ito, sama-sama ring binuhay ng mga mamamayan ang dating patay na ilog Parongking.

Ang Bgy. Sta. Cruz sa Sto. Tomas, Batangas naman ay masigasig na nagsusulong ng isang maayos at sistematikong Materials Recovery Facility (MRF) system kung saan pinagbubukod-bukod ang mga basura ayon sa uri, tulad ng nabubulok at hindi nabubulok. Sa sistemang ito, kumikita ang Bgy. Sta. Cruz na ginawang pantustos sa iba’t ibang mga programang pangkabuhayan. Pinatutunayan lamang na ang pamamahala sa basura ay sagot din sa problemang pangkabuhayan.

Tunay na mga huwaran ang nasabing limang barangay, mga huwaran ng disiplina, pagkakaisa, at pagtitiyaga. Ito ang mga barangay na magsisilbing magandang halimbawa sa iba pa, para sa ikatutupad ng mga proyektong pangkabuhayan, habang pinangangasi- waan ang ating mga basura, at para sa ikaaayos ng ating bansa.

ANG BGY

BASURA

BAYANIHAN REDEMPTION CENTER

BGY

CALBAYOG CITY

CRUZ

HOLY SPIRIT

HULING BAHAGI

ISANG KARITON PANGKABUHAYAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with