Napapabayaan ang kalusugan ng madla
August 22, 2005 | 12:00am
DAHIL sa kakulangan ng doktor, nagsara ang isang government hospital at nanganganib matulad ang iba pa. Marami na kasing na-pirate na doktor para sa mga ospital sa Amerika. At konti na lang ang nagkukursong medisina dahil mas malaki ang kita bilang nurse.
Bulusok naman ang enrolment sa nursing schools, pero kulang ang ospital para magsanay sila sa pasyente. Kaya ang nangyayari, kung datiy may tatlong nursing students na bumibisita sa kuwarto ng pasyente sa ospital, ngayon ay nasa isang dosena ang nagpapraktis magturok ng kung anu-ano.
Talagang napapabayaan na ang kalusugang pampubliko.
Iisa lang dentista ang tumitingin sa ngipin ng bawat 22,000 pupils sa public schools. Singkuwenta sentimos lang kada bata kada taon ang laang budget ng gobyerno para ipa-dentista ang mga taga-public schools. Kaya siyam sa bawat sampu ay may bulok na ngipin na hindi nagagamot.
Sa maraming mahihirap na purok, binibigyan ng public school ng tig-isang salop na bigas kada araw ang mga batang pumapasok. Itoy para hikayatin ang mga magulang na papasukin sila, imbis na pagtrabahuhin sa murang edad sa palayan o bundok o dagat. Pero pampadagdag-bigat lang ang carbohydrates sa bigas. Maaring napulpol na ang utak ng mga bata kung, dahil sa kahirapan, hindi sila nabigyan ng sapat na iodine mula sa isda para ma-develop ang brain cells. At maaring naudlot na rin ang paglaki ng buto kung hindi napakain ng sapat na protina mula sa karne.
Nanghihina na rin ang maraming ina dahil sa kabubuntis. Sa takot ng gobyerno sa Simbahan, inudlot ang family planning program. Turo sana ng program sa mga ina na i-espasyo nang tatlong taon ang pagbubuntis kung kulang sa masaganang pagkain. Itoy para makatulong sila sa mga mister sa paghahanapbuhay, mas maalagaan ang mga isinilang, at mas mabuo ang bata sa sinapupunan.
At kung may epidemic dengue, cholera, dysentery, malaria o trangkaso kulang din ang gamot na nakahanda para sa mahihirap.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended