^

PSN Opinyon

‘Mga kawatan ng bigas sa Intercity...’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
MATAPOS ang ilang araw na pagmamanman ng grupo ng BITAG at Bahala si Tulfo sa National Food Authority (NFA) North District Office, matagumpay na nahulog sa aming patibong ang ilan sa mga retailer na sangkot sa pagnanakaw ng bigas.

Imbes na mapunta sa mga bayan sa North District tulad ng Caloocan, Valenzuela, Navotas o Malabon ang mga bigas na ito, itinatakas ito ng mga kawatang retailer patungong Bocaue, Bulacan...

Una kong nabanggit sa aking kolum na hindi lamang sa ilang warehouse sa loob ng Intercity dumidiretso ang mga nakaw na bigas, kundi maging sa ilang malalaking warehouse sa labas nito.

Diretso sa JDL warehouse ang dalawang truck na tinutukan ng BITAG at Bahala si Tulfo na lumabas galing sa NFA North District Office.

May kabuuang 356 sako ng NFA rice ang narekober mula sa dalawang truck na may plakang XPC 648 at CTV 731. Abot-langit naman ang pagsisinungaling ng mga nahuling driver at pahinante, maging ang retailer ng nahuling truck kung papaano nangyari ang diversion...

Diretso ang mga ito sa tanggapan ng Traffic Management Group – National Capital Region (TMG-NCR) sa Camp Crame...

Sa resulta ng operasyong ito, nagpapatunay lamang na balik na naman sa maliligayang araw ang mga kawatan ng bigas sa NFA...

Hindi namin estilo ang magpahinga sa aming trabaho. Anumang bagay na naumpisahan ay tinatapos namin. Patuloy kaming nakatutok sa kasong ito. Abangan...

Panoorin ang kabuuang detalye ng operasyong ito sa darating na Sabado sa BITAG, IBC 13.

Hotline number para sa anumang uring modus o katiwalian 09189346417 o tumawag 9325310 - 9328919. Bahala si Tulfo, Monday - Friday, 9:00 - 10:30 a.m., UNTV 37, simulcast sa DZME 1530 kHz.

BAHALA

CAMP CRAME

DIRETSO

NATIONAL CAPITAL REGION

NATIONAL FOOD AUTHORITY

NORTH DISTRICT

NORTH DISTRICT OFFICE

TRAFFIC MANAGEMENT GROUP

TULFO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with