Ninoy, dakila ka
August 21, 2005 | 12:00am
Dati siya ay masiglang kabataan
Laging tumutulong sa mga magulang;
Aktibo sa campus masipag mag-aral
Kaya nang magtapos ay may karangalan!
Palibhasay sadyang matalas ang ulo
Siyay nakatulong sa maraming tao;
Sumiklab ang giyerang US at Koreano
Nag-war correspondent - balitay totoo!
Pagbalik sa bansay tumakbong senador
Sinuwerte kaagad at dooy naukol;
Ang buong panahon kanyang iniukol
Gumawa ng batas na sa bayay tulong!
Bilang isang ama saka pulitiko
Ginamit ni Ninoy matalas na ulo;
Sa mga debate kalaban ay henyo
Pati ang diktador sinagupa nito!
Sa tabil ng dilat talim ng isipan
Binangga ni Ninoy makapangyarihan;
Siya ay dinakip na parang kriminal
Mahabang panahong nasa bilangguan!
Habang nakakulong ay kanyang naisip
Sa US paggamot ng sakit ng dibdib;
Kaya nang payagang Siyay makaalis
Ang puso at diwa ay Kanyang ginamit!
Kahit nasa abroad di siya tumigil
Kung panong aalpas ang bayang hilahil;
At kahit alam nyang siyay papatayin
Sa kanyang pag-uwiy di Siya napigil!
Habang bumababa ng airplane sa tarmac
Binaril si Ninoy - kataway bumagsak;
Wala siyang kaba at wala sa utak
Na ang Kanyang buhay ay para sa lahat!
Laging tumutulong sa mga magulang;
Aktibo sa campus masipag mag-aral
Kaya nang magtapos ay may karangalan!
Palibhasay sadyang matalas ang ulo
Siyay nakatulong sa maraming tao;
Sumiklab ang giyerang US at Koreano
Nag-war correspondent - balitay totoo!
Pagbalik sa bansay tumakbong senador
Sinuwerte kaagad at dooy naukol;
Ang buong panahon kanyang iniukol
Gumawa ng batas na sa bayay tulong!
Bilang isang ama saka pulitiko
Ginamit ni Ninoy matalas na ulo;
Sa mga debate kalaban ay henyo
Pati ang diktador sinagupa nito!
Sa tabil ng dilat talim ng isipan
Binangga ni Ninoy makapangyarihan;
Siya ay dinakip na parang kriminal
Mahabang panahong nasa bilangguan!
Habang nakakulong ay kanyang naisip
Sa US paggamot ng sakit ng dibdib;
Kaya nang payagang Siyay makaalis
Ang puso at diwa ay Kanyang ginamit!
Kahit nasa abroad di siya tumigil
Kung panong aalpas ang bayang hilahil;
At kahit alam nyang siyay papatayin
Sa kanyang pag-uwiy di Siya napigil!
Habang bumababa ng airplane sa tarmac
Binaril si Ninoy - kataway bumagsak;
Wala siyang kaba at wala sa utak
Na ang Kanyang buhay ay para sa lahat!
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended