Napag-alaman sa mga researchers ng Harvard School of Public Health na ang madalas na pagkain ng mani ay nagpapababa sa bilang ng mga may sakit sa puso. Nabatid din na ang mga babae na kumakain ng five servings of peanuts bawat linggo ay mahirap kapitan ng heart disease kumpara sa mga babaing bihira o hindi man lang kumakain ng mani.
Itinuturing na isang landmark discovery ang inihayag kamakailan Experimental Biology Conference sa Washington D.C. na ang mani ay may sangkap na phytosterol na mabisang panlaban sa colon, prostate at breast cancer. Pumapangalawa sa soybean, ang mani ay malakas pagkunan din ng vegetable oil na gamit sa pagluluto. Ang crude oil naman na galing din sa mani ay gamit sa paggawa ng sabon at detergent.