^

PSN Opinyon

Limang barangay huwaran sa pamamahala ng basura (Unang Bahagi)

HINDI PA TAPOS ANG LABAN - Mike Defensor -
TAG-ULAN na naman at tiyak na magbabaha sa Kamaynilaan. Maliban sa talagang mababa ang maraming lugar sa Metro Manila ay malaking dagdag sa problema ang maling gawain sa pagtatapon ng mga basura.

Ang problema sa basura ay isa marahil sa pinakamalaking suliranin sa mga urban centers. Ito ang dahilan kung bakit isinabatas ang Republic Act 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act. Ang batayang naglalayong magbigay ng maayos na pamamahala sa basura. Ang mga lokal na pamahalaan ay may mahalagang papel sa batas na ito.

Alinsunod sa batas na ito, ang DENR ay naglunsad ng patimpalak para sa mga barangay na may magandang sistema sa pamamahala ng basura. Limang barangay ang napiling katangi-tangi sa kanilang maayos at magandang kampanya sa basura sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng tamang pagbubukod ng mga basura, pagre-recycle at iba pang sistema. Ito ang katangian ng limang barangay na nararapat lamang na tularan: Ang Bgy. Linomot sa Jones, Isabela; Bgy. Panoypoy sa Calbayog City; Bgy. Holy Spirit sa Quezon City; Bgy. Bued sa Calasiao, Pangasinan; at Bgy. Sta. Cruz sa Sto, Tomas, Batangas.

Napili ang limang barangay dahil sa katangi-tanging sipag at tiyaga, at pagtutulung-tulong ng mga residente.

Ang mga barangay na nabanggit ay pinarangalan bilang mga modelong barangay sa pambansang patimpalak para sa mga barangay na maayos na ipinatutupad ang tamang pangangasiwa ng basura. Ito ang mga barangay na katangi-tangi sa kanilang pagsunod sa Republic Act No. 9003.

ANG BGY

BARANGAY

BASURA

BGY

CALBAYOG CITY

ECOLOGICAL SOLID WASTE MANAGEMENT ACT

HOLY SPIRIT

METRO MANILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with