Ngayong panahon ng tag-ulan ay marami ang nagkakaroon ng sore throat kaya nararapat lamang na mayroong panlaban sa infection. Dapat may sapat na Vitamins D at E ang diet para malabanan ang atake ng Streptococcus bacterium na lumilikha ng sore throat.
Ang Vitamin D ay matatagpuan sa mga oily fish. Kaya dapat mag-fish diet ang mga may sore throat para malabanan ang infection at nang magkaroon ng healthy immune system. Ang Vitamin E naman ay matatagpuan sa abokado, olive oil, nuts at seeds.
Ang kakulangan din naman sa Vitamin C ay magiging dahilan din para madaling makapitan ng infection. Mayaman sa Vitamin C ang strawberries, oranges at red pepper. Makatutulong din naman para mahadlangan ang pagkakaroon ng infection kung kakain ng mga yellow o orange fruit at vegetables gaya ng apricots, carrots, spinach sapagkat mayroong beta carotene. Mahusay ang mga ito sa kalusugan at pinangangalagaan ang lining ng lalamunan. Mabuti rin naman ang pagkain ng atay, sesame seeds at tinapay sapagkat mahalaga ang mga ito sa pormasyon ng antibiotics.