Madalas magka-sore throat? Mag-take ng Vitamins D at E
August 21, 2005 | 12:00am
ANG unang palatandaan ng lagnat, trangkaso at tonsillitis ay ang sore throat o pangangati ng lalamunan. Ang sore throat ay kagagawan ng Stretococcus bacterium. Maraming dahilan kung bakit nagkakaroon ng sore throat at isa rito ay ang unhealthy diet mataas na intake ng refined carbohydrates, matatamis na pagkain gaya ng biscuits, table sugar at ang pagkain din naman ng mga mababa sa micronutrients na nagiging dahilan para mawalan ng natural defense ang katawan sa infection. Ang pagkapagod, paninigarilyo at pag-inom ng sobrang alak ay nagiging dahilan din para bumaba ang resistance ng katawan laban sa infection.
Ngayong panahon ng tag-ulan ay marami ang nagkakaroon ng sore throat kaya nararapat lamang na mayroong panlaban sa infection. Dapat may sapat na Vitamins D at E ang diet para malabanan ang atake ng Streptococcus bacterium na lumilikha ng sore throat.
Ang Vitamin D ay matatagpuan sa mga oily fish. Kaya dapat mag-fish diet ang mga may sore throat para malabanan ang infection at nang magkaroon ng healthy immune system. Ang Vitamin E naman ay matatagpuan sa abokado, olive oil, nuts at seeds.
Ang kakulangan din naman sa Vitamin C ay magiging dahilan din para madaling makapitan ng infection. Mayaman sa Vitamin C ang strawberries, oranges at red pepper. Makatutulong din naman para mahadlangan ang pagkakaroon ng infection kung kakain ng mga yellow o orange fruit at vegetables gaya ng apricots, carrots, spinach sapagkat mayroong beta carotene. Mahusay ang mga ito sa kalusugan at pinangangalagaan ang lining ng lalamunan. Mabuti rin naman ang pagkain ng atay, sesame seeds at tinapay sapagkat mahalaga ang mga ito sa pormasyon ng antibiotics.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended