^

PSN Opinyon

Serious threat sa NAIA alaws – Cusi

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
NATUTUWANG sinabi ni Manila International Airport Authority general manager Alfonso G. Cusi, sa one year niya sa NAIA bilang bossing ay dehins nagkaroon ng seryosong insidente ng terorismo sa premier airport.

Siyanga pala, binabati ng mga kuwago ng ORA MISMO, si Al mga kasangga nito na sina Robert Uy, ang seksing si Teri Mendoza, Ed Tiotloen, Geline Calaguian, Tirso Serrano, Rey Puno, Rommel Javier at Ed Dada ng Happy 1st Birthday. Ika nga, saan ang blowout!

Kahit dehins moderno ang security equipment sa NAIA compare sa ibang bansa ani Cusi, ang pinag-ibayong security enhancement sa tulong nina retired General Angel Atutubo at PNP-ASG bossing Andy Caro II na ipinatutupad ng PNP-Aviation Security Group (ASG), Airport Police Department (APD) at iba pang government agencies sa airport na may kaugnayan sa securities ang nakatulong para mapigilan ang anumang tangka ng mga gagong terrorists na maghasik ng lagim sa paliparan. Sabi nga, si Cusi ang susi sa airport.

Mas lalong aayusin ng MIAA ang pagpapalakas ng seguridad sa paliparan sa pamamagitan ng pagpapataas ng antas ng mga x-ray machines at pagdadagdag ng close circuit television sa dalawang International Airport at domestic airport upang lalong mapag-ibayo ang monitoring ang pagpasok ng anti-socal goods sa airport.

Ang iba pang isyu, magtitipid ang MIAA sa cost saving measures para tugunan ang panawagan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa lahat ng government agencies na magtipid sa konsumo ng enerhiya bunga ng hindi mapigil na pagtaas ng presyo ng crude oil sa world market.

Ang kuwento ni Al, noon pang isang taon ay nagsasagawa na ang MIAA ng pagtitipid sa power consumption na hindi masa-sacrifice ang delivery of services at security sa airport, subalit mas lalo pa niya itong paiigtingin upang makatulong sa government.

Isa sa nakikitang pagtitipid na isasagawa ay ang mahigpit na pagpapatupad ng paggamit ng equipment na kumukunsumo sa elektrisidad.

Lilimitahan na ang pagpapaandar sa mga ilaw, computers at air conditioning unit sa lahat ng offices sa MIAA lalo na kapag hindi pa working hours at kung break time siyempre kailangan patayin ang mga appliances na malakas mag-consume ng electricity.

vuukle comment

AIRPORT

AIRPORT POLICE DEPARTMENT

ALFONSO G

ANDY CARO

AVIATION SECURITY GROUP

CUSI

ED DADA

ED TIOTLOEN

GELINE CALAGUIAN

GENERAL ANGEL ATUTUBO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with