^

PSN Opinyon

Ang makatarungan at bukaspalad

ALAY-DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
ANG pagiging makatarungan ay ang pagbibigay sa kapwa nang ayon sa nararapat na matanggap niya. Samantalang ang pagiging bukaspalad ay ang pagbibigay sa kapwa nang higit pa sa inaasahan mula sa iyo.

Ang Ebanghelyo sa araw na ito ay tumutukoy sa dalawang katangiang ito na nasa sa may-ari ng ubasan – walang iba kundi ang ating Panginoong Diyos (Mt. 20:1-16).

"Ang paghahari ng Diyos ay katulad nito: Lumabas nang umagang-umaga ang may-ari ng ubasan upang humanap ng mga manggagawa. Nang magkasundo na sila sa upa na isang denaryo maghapon, sila’y pinapunta niya sa kanyang ubasan. Lumabas siyang muli nang mag-iikasiyam ng umaga at nakakita siya ng iba pang tatayu-tayo lamang sa liwasang-bayan. Sinabi niya sa kanila, "Pumunta rin kayo at magtrabaho sa aking ubasan, at bibigyan ko kayo ng upa." At nagpunta nga sila. Lumabas na naman siya ng mag-iika-12 ng tanghali at nang mag-iikatlo ng hapon, at gayon din ang ginawa niya. Nang mag-iikalima ng hapon, siya’y lumabas uli at nakakita pa ng mga ibang wala ring ginagawa. At sinabi niya, "Pumunta kayo at gumawa sa aking ubasan."

"Pagtatakipsilim, sinabi ng may-ari ng ubasan sa kanyang katiwala: "Tawagin mo na ang mga manggagawa at sila’y bayaran, magmula sa huli hanggang sa unang nagtrabaho." At nang lumapit ang mga nauna, inakala nilang tatanggap sila nang higit doon; ngunit ang bawat isa’y tumanggap din ng isang denaryo. Pagkatangap nito, nagreklamo sila sa may-ari ng ubasan.

Sinabi niya sa isa sa kanila, "Kaibigan, hindi kita dinadaya. Hindi ba’t nagkasundo tayo sa isang denaryo?Maano kung ibig kong upahan ang nahuli nang tulad ng upa ko sa iyo? Wala ba akong karapatang gawin ang aking maibigan sa ari-arian ko? O naiinggit ka lang sa aking kabutihang-loob?"


Sa pananaw ng mga manggagawang unang inupahan at marahil ganoon din sa ating sariling pananaw, ang may-ari ng ubasan ay tila hindi makatarungan. Ngunit ang usapan ay usapan. At tinupad naman ng may-ari ng ubasasn ang kanyang pagbabayad sa mga manggagawa ayon sa kanilang napagkasunduan. Ito ang pagiging makatarungan ng may-ari ng ubasan. Ang pagbibigay din naman niya ng ganoon ding upa sa mga nahuling nagtrabaho ay ang pagiging bukaspalad naman niya. Bagamat kaunting oras lang nagtrabaho ang mga manggagawang nakausap ng tanghali, ikatlo at ikalima ng hapon, ang natanggap nilang upa ay katumbas din doon sa mga nagtrabaho ng buong araw.

Totoo na kapag inggit ang umiral sa tao, walang katwirang makikita sa pagiging makatarungan at bukaspalad ng bawat kapwa, ni sa Panginoon.

ANG EBANGHELYO

ARI

LUMABAS

NANG

NIYA

PANGINOONG DIYOS

PUMUNTA

UBASAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with