^

PSN Opinyon

PAIRTF pinabubuwag sa tulong ng ilang bugok sa Malacañang

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
NAGTATALUNAN sa galak ang mga gagong illegal recruiters kasi buwag na raw ang Presidential Anti-Illegal Recruitment Task Force ni Rey Jaylo. Sabi nga, God Bless!

Mataimtim palang nagdarasal sa mga Saints sa Baclaran Church ang mga gagong bugok para huwag nang bigyan ni Prez Gloria Macapagal-Arroyo ng extension ang grupo ni Jaylo. Dahil up to now ay dehins pa pala pinipirmahan ni Prez Gloria ang extension ng PAIRTF to operate versus illegal recruiters. Kaya naman tuwang-tuwa ang mga ogag.

Noong July 9, 2005, isang taon na sa operation ng PAIRTF hindi biro ang nahuli, nakakulong at nakasuhan sa courts dahil sa mga nakalawit nilang illegal recruiters. Sangkaterba ang nagpasalamat na biktima ng kagaguhan matapos mahuli nina Jaylo ang mga taong bumibiktima sa kanila at sumira sa maganda nilang pangarap.

Isang alyas tuklaw sa Palasyo na miyembro ng We Bulong group ang pumipigil daw para palawigin ni Prez Gloria ang operations ng mga alipores ni Jaylo. Nasaktan kasi si tuklaw nang magsumbong ang kanyang alaga dahil binira ng mga bataan ni Jaylo. Ang bata ni tuklaw ay kabilang sa notorious illegal trafficker sa buong Asia pero ang pangalan nito ay na-snopek o naglahong parang bula sa talaan ng inter-fool este mali interpol pala.

Sino kaya ang nagpa-snopek ng name nito kung totoong nasa list? Just asking?

Tiyak sa nangyayari ngayon masaya ang halos lahat ng mga illegal recruiters dahil wala nang makapipigil sa kanilang operasyon. Inaakusahan kasing mangongotong ang grupo ni Jaylo kapag nakakahuli sila ng mga gago.

Sinasabing million of pesos daw ang kinita ni Jaylo sa panghuhuli lalo sa mga Japanese nationals na nakalawit ng grupo niya.

‘‘Kung pinitsa ni Jaylo ang mga gagong illegal recruiters sana walang nakakulong ngayon at nakasuhan,’’ anang kuwagong taga-POEA.

‘‘Tumpak ka diyan,’’ sagot ng kuwagong mananayaw sa kabaret.

‘‘Ang masama kasi sa batas natin sa Pi-nas kapag bigfish ang nadale ang mga humuli pa ang nababaligtad,’’ anang kuwagong SPO-10 sa Crame.

"Diyan tama ka kamote!’’

BACLARAN CHURCH

GOD BLESS

ILLEGAL

JAYLO

NOONG JULY

PRESIDENTIAL ANTI-ILLEGAL RECRUITMENT TASK FORCE

PREZ GLORIA

PREZ GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

REY JAYLO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with