As we have mentioned, may nakapending nang kaso laban sa PTA ang mga kasapi ng Luneta Boardwalk Tenants Association (LBTA) sa Regional Trial Court ng Maynila kaugnay ng pangyayaring ito. Napag-alaman ko rin na kinasuhan din sa Office of the Ombudsman si Dean Barbers.
Ayon sa isang texter na ayaw nang magpabanggit ng pangalan, hindi lang sila ipinagtabuyang parang aso kundi pinaratangan pa ng mali. Na silay nagsa-sublease at "nangingikil" sa mga dayuhang umuupa rin doon. Siguro itoy upang bigyan ng bigat ang pagtataboy sa kanila. Pero anang mga pinatalsik na stall owners, "walang katotohanan ang paratang na ito."
Bakit ganyan ang sistema? Imbes na hikayatin ang bawat Pilipino na maging entrepreneur, parang tinatanggalan pa ng insentibo. Sa panahong ito na mahirap maghanap ng trabaho, ang dapat atupagin ng gobyerno ay ang paghimok sa mga Pinoy na magnegosyo. Iyan lamang ang tanging paraan para maiahon ang bansa sa kahirapan. Kailangan natiy mag-sariling-sikap.
Ngunit kung ituturing ng gobyerno ang mga nagnenegosyong Pilipino na parang magnanakaw, baka mahikayat lalu ang mga iyan na gumawa ng labag sa batas. Hindi kaya nagtataka ang gobyerno kung bakit talamak ang kriminalidad? Ibig lang ng tao na mabuhay. Pero sa kahirapang magtrabaho ng patas, natututo silang gumawa ng tiwali.
Sanay mailapat ang hustisya sa mga kaawa-awa nating kababayang ito para ang taumbayan ay hindi mawalan ng tiwala sa umiiral na sistema. At sana, magkaroon ng pagmamalasakit ang gobyerno sa mga pinakamaralitang sektor ng lipunan at hindi yung laging may salapi at impluwensya ang kinikilingan.