Bagyo si Major Ocden, at nakasandal pa sa pader!
August 14, 2005 | 12:00am
NAKASANDAL pala sa pader si Maj. Ocden, na lumusob kamakailan sa CIDG satellite office sa south. Hindi pala sa Taguig City naka-assign si Maj. Ocden kundi doon mismo sa operating unit ni Interior Sec. Angelo Reyes. Kaya kung hindi maaapektuhan si Maj. Ocden ng tranformation program ni PNP chief Dir. Gen. Arturo Lomibao, tiyak hindi rin siya kayang disiplinahin ni Sec. Reyes. Ika nga magtakip-takipan lang ang mga yan at presto
mababaon lang sa limot ang kasalanan ni Maj. Ocden. Iba na talaga ang maging bayaw ng inaanak ni Lomibao na si Sr. Supt. Pat Hernandez at maging bataan ni Sec. Reyes at bagyo na ang dating mo nakasandal ka pa sa pader. He-he-he! Sobrang buwenas ni Maj. Ocden, di ba mga suki?
Medyo mautak si Maj. Ocden kung ang video karera ang pag-uusapan. Kasi nga nagpa-assign siya noon bilang deputy ng CIDG sa south hindi para magtrabaho kundi para mapangalagaan ang kanyang nagkalat na video karera sa southern Metro Manila.
Alam yan ng bata niyang si Abe David, di ba mga suki? Kaya nang biglang uminit na naman ang pangalan niya, aba lumipat si Ocden sa DILG para maprotektahan na muli ang illegal na negosyo niya. Eh sino ba naman ang babangga kay Maj. Ocden eh bayaw siya ni Hernandez tapos nakakalong pa kay Sec. Reyes? Kaya kahit laman na ng diyaryo at radyo ang paglusob ni Maj. Ocden sa CIDG south, hindi naman siya natitinag dahil alam niya hindi siya pababayaan ng bayaw niya at si Sec. Reyes. Kaya goodbye na lang sa lahat ng imbestigasyon sa paglusob ni Maj. Ocden sa CIDG office. At goodbye na rin sa transformation plan ni Lomibao.
Tuluy-tuloy na sana ang suwerte ni Maj. Ocden kung hindi siya nagkamaling apak-apakan lang si SPO3 Leo Palatao. Mukhang hindi muna nagtatanung-tanong si Ocden bago niya tutukan ng Armalite si Palatao. Kaya sa sobrang hiya niya, wala nang mukhang iharap si Ocden sa mga nakaalam sa pagdis-arma sa kanya ni Palatao.
Ang huling balita ko, pilit na kinakaibigan sa ngayon ni Maj. Ocden si Palatao. At sa tingin ng maraming kau-sap ko, huli na ang lahat.
Kung sabagay, matapos maghiwa-lay ng landas sina Maj. Ocden at Palatao, eh halos nag-iiwasan na silang magharap na muli. Pero may nakarating na balita sa akin, na kamuntik nang magpang-abot sina Maj. Ocden at Palatao sa Camp Bagong Diwa. Ang nangyari, halos kasimbilis daw ng hangin na nawala si Maj. Ocden, ayon sa balitang kumakalat sa Bicutan. He-he-he! Baka nga magalit lang kay Maj. Ocden ang nagkakalat ng balita na ito para lalong mapasama naman ang bayaw ni Hernandez at bata ni Sec. Reyes. At ang naiwang nakatawa sa ngayon ay walang iba kundi si Abe David na patuloy ang pang-oorbit sa mga pasugalan sa sakop ng SPD. Hindi niya iniinda ang ginawa niyang panghu-Hudas kay Maj. Ocden.
Abangan!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended