Dean Barbers inasunto sa Ombudsman
August 13, 2005 | 12:00am
NAGHIHIMUTOK at galit ang mga stallowners sa Luneta Boardwalk. Sapilitan daw silang itinaboy ng Philippine Tourism Authority (PTA) sa pamumuno ni PTA Gen. Manager Robert Dean Barbers. Ang masaklap, itinuring daw silang professional squatters gayung may kasunduan silang nilagdaan sa PTA sa panahon ng panunungkulan ng kaibigan natin at kasamahang kolumnistang si Nixon Kua, dating hepe ng PTA sa panahon ni ex-President Erap.
Ganyan na ba ngayon ang sistema? Hindi na kinikilala ng bagong administrasyon ang mga kontratang pinasok ng dating pamunuan? Tsk, tsk. Bad yan.
Ayos sana ang boardwalk sa Luneta. Bukod sa pasyalan, may lugar pa ang mga small entrepreneurs na magtayo ng mga tindahan. Karamihan sa mga stalls ay mga fast food stores. Dooy puwedeng magmeryenda, mag-lunch o dinner (as the case may be) ang mga namamasyal o nag-i-aerobics.
Inireport ng ating tagapag-ulat na si Danilo Garcia kamakailan ang tungkol sa paghingi ng saklolo ni Philippine Tourism Authority (PTA) Gen. Manager Robert Dean Barbers sa Western Police District sa pag-demolish sa puwesto ng mga tinaguriang "professional squatters" sa boardwalk. Naganap ang demolition. Maraming stall owners na kasapi ng Luneta Boardwalk Tenants Association, Inc. (LBTA) ang nawalan ng negosyo. Sa pamamagitan ng legal counsel na si Atty. Angel Gatmaitan, mayroon nang kasong isinampa laban sa PTA ang LBTA sa Regional Trial Court ng Maynila (case no. 05-112595) upang magtamo sila ng hustisya. Balita ko pay kinasuhan na rin ng mga kawawang tenant sa Ombudsman si Barbers.
Hawak ng mga pinatalsik na tenants ang mga resibo na katunayang nagbabayad sila ng kaukulang upa sa PTA. Ayokong isipin na ginawa ang demolition para papasukin ang mga pinapaborang negosyante. Napag-alaman natin na mayroong mga pinapasok na dayuhan para mangalakal sa boardwalk. At napakaganda ng kondisyon sa kasunduan porke hindi sila obligadong magbayad sa mga araw na may forced madjure situation tulad ng bagyo o panahong hindi sila makapagtinda. Daing nga ng kaibigan kong si Edna, bakit ganoon? Noong sila ang umuokupa ng stalls, bumagyo man o hindi ay obligado silang magbayad ng upa.
Pinabulaanan din ng mga kasapi sa LBTA ang alegasyon ng PTA na mayroon sa kanila na kusang nag-waive ng karapatang mangupahan. Sapilitan daw o puwersahan silang pinaalis. Harinawang mabigyan ng katarungan sa lalung madaling panahon ang mga apektadong tenants. Naghahanapbuhay sila ng patas kung kayat hindi sila dapat pagkaitan ng kanilang pinagkakakitaan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest