^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Wala na raw kidnapan huh!

-
LABIMPITONG araw matapos ang State of the Nation Address (SONA) ni President Arroyo kung saan sinabi niya na lutas na ang problema sa kidnapping, bumanat na naman ang mga kidnapper kamakalawa. Isang 11-anyos na batang Tsinoy ang kinidnap ng anim na armadong lalaki habang papasok sa school. Naganap ang pangingidnap sa harap ng condominium na tinitirahan ng bata sa Mayhaligue, Sta. Cruz, Manila. Nakilala ang biktima na si Ryan Yu, estudyante, anak ng may-ari ng Papa pawnshop.

Ihahatid na si Yu ng kanyang yaya sa school dakong 6:45 ng umaga nang biglang sumulpot ang mga kalalakihang armado ng M16 rifles at nakasakay sa isang Hi-ace. Hinablot si Yu. Nakita naman ng mga guwardiya ng condo ang pangyayari at balak tulungan ang bata pero pinaulanan sila ng bala. Lima ang nasugatan sa insidente. Hanggang sa sinusulat ang editorial na ito, wala pang balita tungkol sa kinidnap na bata. Nangangapa pa rin naman ang Manila Police.

Hindi pa lutas ang kidnapping gaya nang sinabi ni Mrs. Arroyo. Hindi pa sila nababalian ng pakpak. Nang sabihin ni Mrs. Arroyo na ang kidnapping sa bansa ay bahagi na lamang ng nakalipas, marami ang napangiti nang mapakla sapagkat patuloy nga ang pangingidnap at maraming grupo pa ng kidnappers ang nagsulputan. Maski si Teresita Ang See, presidente ng Citizen Action Against Crime (CAAC) ay nagtaka sa sinabi ni Mrs. Arroyo sapagkat hindi naman bumaba ang insidente nang pangingidnap kundi tumaas pa. Ayon kay Ang See, mula June 17 hanggang July 18, 2005, pitong kidnapping cases ang nangyari. Apat sa kinidnap ang nagbayad umano ng P1-milyon ransom. Ang report ni Ang See tungkol sa pagtaas ng kidnapping cases sa bansa ay pinatotohanan naman ni Philippine National Police (PNP) chief Dir. Gen. Arturo Lomibao. Kaya nga marami ang napangiti nang mapakla nang sabihin ni Mrs. Arroyo na "the rash of kidnappings become a thing of the past…"

Hindi nabibigyan ng update ang Presidente sa mga tunay na nangyayari sa paligid at dapat lamang na magising ang PNP sa kanilang pagkakahimbing. Hindi bumababa ang kidnapping at tumataas pa kaya dapat magpursige ang PNP kung paano madudurog ang kidnap-for ransom. Kawawa naman ang bansang ito na niyayanig ng krisis pulitikal ay niyayanig pa ng krimen. Sa pag-arangkada ng mga kidnappers, matatakot ang mga dayuhan na mag-invest sa bansa. Wakasan na ng gobyerno ang problemang kidnapping.

ANG SEE

ARTURO LOMIBAO

CITIZEN ACTION AGAINST CRIME

KIDNAPPING

MANILA POLICE

MRS. ARROYO

NANG

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PRESIDENT ARROYO

RYAN YU

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with