^

PSN Opinyon

Bolang kristal ni Mayor Gonzales at Bartolome, palpak

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
NAGMUKHANG si Nostradamus ako noong isang linggo mga suki. Tumpak ang prediction ko na aarestuhin ng mga buwaya ni Mandaluyong City Mayor Neptali Gonzales sa anti-vice unit si Boy A. At tama rin ako na si Boy A. ang pinagsuspetsahan ng mga Gestapo ni Gonzales na nagbibigay sa akin ng impormasyon ukol sa mga pangyayari sa Mandaluyong nga. Kasi nga, matapos madala sa kanilang opisina si Boy A., iwinawagayway pang ipinapakita ng isang ahente ang diyaryo natin sabay sabing ang gambling lord nga ang nasa likod ng mga birada ko. Hindi ko kilala ’yang si Boy A. at ilang beses ko na rin siyang naupakan. Pero hindi pa siya lumulutang sa akin dahil mukhang may ipinagmamalaki siya. Baka ang akala ni anti-vice unit Victor Espinosa at ang kasosyo niyang si SPO3 Richard ‘‘Chito’’ Masilang, ng follow-up unit ng pulisya ay hihinto na ako dahil natuliro na si Boy A. sa pangha-harass nila. Nagkamali ako! He-he-he! Palpak na naman ang bolang kristal nina Mayor Gonzales at Bartolome, di ba mga suki?

Tatlong warrant pala sa mga lumang kaso sa illegal gambling ang ginamit ni Espinosa para arestuhin si Boy A., kaya kahit pilit na sinasabi ni Boy A. na tatlong buwan na siyang huminto sa illegal na negosyo niya, hindi naniwala sa kanya ang deputy ni Espinosa na si ret. Major Obet del Torro… este Del Corro pala. Ipina-TV pa ng taga-anti vice unit si Boy A. sabay pahayag ni Del Torro… este del Corro uli, na busted na ang pasugalan sa Mandaluyong City. Mukhang maagang nagyabang si Del Corro no mga suki? Tingnan natin sa susunod na mga araw kung may katotohanan ang pagyayabang ni Del Corro na dati’y nakikiusap kay SPO1 Jun Lim subalit sa ngayon siya na ang pinapakiusapan. He-he-he! Wea-ther-weather lang, di ba Major. Del Corro Sir?

Kung umuusok ang tenga ng mga tropa ni Espinosa laban kay Boy A., ang mga kamag-anak ni German Macalanda, 74, ay umuusok din ang ilong kapag nabanggit ang unit nila. Inihantulad ng mga kamag-anak at kapitbahay ni Macalanda ang mga alipores ni Gonzales sa mga SS officers ni Hitler na walang puso kung kumilos. Sa konting halaga lang pala ay handang pumatay ang anti-vice ni Gonzales, ’yan ang hinanakit ng taga-Mandaluyong na ipinara-ting sa akin. Sa tingin naman kasi ng taga-Mandaluyong, hidi rin habang panahon si Gonzales sa puwesto kaya’t may pagkakataon pa silang makaahon sa pagmamalupit ng grupo ni Espinosa. ’Ika nga kay dating Presidente Erap Estrada, ‘‘Tamaan din kayo ng kidlat." He-he-he! Pasasaan ba’t may hangganan din ang kaligaya- han ng mga alipores ni Gonzales, ’yan ang panalangin ng taga-Mandaluyong.

Hindi ko pa abot kung nakapag-piyansa na si Boy A. Pero ang tinitiyak ko, abot langit na ang nerbiyos niya sa sinapit niyang harassment sa kamay ng mga bataan ni Espinosa. Nagbabanta pa ang mga tauhan ni Espinosa na hindi nila tatantanan si Boy A. Bakit si Boy A. lang? Hindi ba puwedeng isama n’yo sa paglinis ng Mandaluyong ang mga pasugalan nina Dodong Bisaya, Ben Tanda, Erning Tiwa, SPO3 Richard ‘‘Chito’’ Masilang, Boy Tuko, Bitoy, Rico, Diday, Tisay, Buddy at Boy Putol?

Ano ang masasabi rito ni Del Torro… este Del Corro pala? Paano mo malilinis ang pasugalan diyan Del Corro Sir? Kung ang mismong amo mo na si Espinosa ay may bookies ng karera sa 9 de Pebrero? Babalik at babalik ako mga suki.

BOY

BOY A

DEL

DEL CORRO

DEL CORRO SIR

DEL TORRO

ESPINOSA

GONZALES

MANDALUYONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with