"There are no more principles. There are no more values and morals. Everything is just about money, money, money," sabi ni Cruz sa isang telephone interview sa kanya kahapon sa isang himpilan ng radio.
Ayon kay Cruz pag hindi makuha sa lagayan ay dadaanin sa takutan ng Malacañang upang sirain ang mga testimonya ng mga taong ito o di kayay pamimili ng mga pekeng testigo para palabasing walang katotohanan ang mga sinasabi ng ilang mga whistle blowers.
"Why is the administration so nervous and panicky that it will spare nothing to destroy jueteng witnesses?" sabi ng 70-year-old na bishop.
"What kind of government is this? Are we in a military state already? Witnesses are being threatened, the government is creeping to get them, all because some people want to remain in power," sabi pa ni Cruz.
Halatang masamang-masama na ang loob ni Archbishop Cruz sa kanyang mga pananalita, dismayadung-dismayado na rin siya pero isang bagay ang mukhang hindi niya naiintindihan at yan ay tumutupad lamang si Madam Senyora Donya Gloria sa kanyang pangakong magbibigay ng trabaho sa isang milyong Pilipino kada taon.
Sa ginagawang ito ng mga kampon, alagad, kakampi at kaalyado ni Madam Senyora Donya Gloria, kasama na ang pamimigay nila ng pera at iba pang benepisyo sa mga miyembro ng kongreso na pumapayag na hindi pumirma sa impeachment complaint ay nadagdagan ang kumikita at siyempre pati mga sexy at nagagandahang mga "staff" ng ilang mga malalapit sa Malacañang pati na yung mga mahihilig tumambay diyan sa isang exclusive club sa taas ng Discovery Suite sa Ortigas Center na pati asawa ay bawal pumasok ay magiging happy. Iba talaga ang good life ano?
In short, lagi silang may "happiness," ewan ko lang kung happiness sa kalamnan o happiness sa bulsa. Puwede ring pareho. Basta gaya ng mga testigong "nakumbinsi" nilang bumaligtad gaya ni Sgt. Doble at Richard Garcia ay merong hindi lang "double happiness, triple happiness, quadruple happiness but hundreds of thousands and even millions of happiness."
Katunayan nga balita ko ay may bagong opisina o extension office ang Malacañang na itinayo sa isang hotel sa Mandaluyong kung saan ang Mayor ay anak ni Comelec Chairman Ben Abalos. Tama po kayo, ito rin po ang Comelec kung saan inappoint ni Madam Senyora Donya Gloria bilang Commissioner si Virgilio "Garci" Garcillano.
Sagot ho ito ng isang mahilig sa puno, environmentalist rin kasi ang puno ng nasabing operasyon, na nagtrabaho ngayon ay magbigay ng livelihood program sa mga walang trabaho.
Simple lang ho ang requirements na kailangan kung nais niyong magtrabaho rito. Bukod ho sa malakihan ang "commission" at mabilis ang kitaan dito, ang kailangan ay tapang ng hiya at lakas ng loob.
Kailangan ay kaya ninyong magpunta sa naturang opisina o di kayay sa Malacañang o di kayay malapitan ang isa sa mga malalapit sa kay Madam Senyora Donya Gloria at sabihin ninyong meron kayong ibubulgar laban sa kanila o di kayay sa oposisyon.
Mas maganda kung kaya nyong manakot at sasabihin nyong handa kayong patawag ng press conference kung saan ibubulgar nyo ang mga alam ninyo tungkol sa First Family.
Better nga ay gayain ninyo si Richard Garcia na tumawag pa sa isang himpilan ng radio at ng malaman ng mga galamay na nag-ooperate sa hotel sa Mandaluyong ay agad-agad kinausap, binayaran at pinabaligtad.
Para pa tumaas ang presyo ninyo, damay nyo ang ilang mga oposisyon figure gaya nina Sen. Panfilo "Ping" Lacson, Sen. Nene Pimentel, former Executive Secretary Renato de Villa at iba pa.
Ngayon kung gusto nyo naman sa safe side ng mga pangyayari, tandaan na lang ninyo ang tatlong unggoy. Sabihin nyo lang sa kanila na may ibubulgar kayo laban sa kanila pero payag kayo sa See No Evil, Hear No Evil and Speak No Evil.
Gayahin lang ho ninyo ang tatlong unggoy na naging Pipi, Bulag at Bingi.
O hayan apply na kayo diyan sa Malacañang. Kung hindi naman kayo makapasok sa Palasyo dahil sa dami ng bantay, tumuloy na lang kayo diyan sa hotel sa Mandaluyong kung saan merong isang Puno o di kayay hanapin nyo ang mga kongresistang mahihilig sa "good life" o di kayay abogadong kilalang-kilala dahil hindi lang pala expert sa legal na paraan kung hindi illegal.
Tiyakin nyo lang mababayaran kayo ng husto. One shot deal ho kasi yan at marami rin ang humihirit ng porsyento kasama na ang mga abogado na sayang naman ang pinag-aralan at mas nanaisin pang ipakain sa kanilang pamilya ay galing sa fixing.
Ingat din dahil dapat marunong din kayong umiyak at magdrama kahit na walang luha gaya nitong si Richard Garcia at siyempre ang Reyna nila na si Mary "Rosebud" Ong.
O hayan, may tip na kayo, hala, lakad na ng kumita dahil galing din naman sa kaban ng bayan ang ibabayad sa inyo. Pumarte na kayo pero maganda pagkatanggap ninyo kanta nyo pa rin sila. Ha-ha-ha!!! Ungguyan naman ang laro.