Ang dengue ay nakakamatay na sakit na dala ng lamok na kapag hindi naagapan ay tiyak mapapa-Hesus ang victim. Umabot sa 100 ang natigok sa dengue sa Pinas dahil sa kababuyan na rin ng tao.
Masyado kasing marumi ang paligid kaya naman ang mga killer lamok ay nagpi-fiesta sa makakagat nilang biktima. Pero parang walang dating ang killer dengue sa Department of Health dahil mabagal ang kanilang aksiyon regarding this matter.
Si Prez Gloria Macapagal-Arroyo pa mismo ang nag-command sa LGUs na huwag pabayaan ang mga distrito na pinamumugaran ng killer lamok. Kailangan itong puksain sabi ni Hello Garci, este mali Prez Gloria pala!
Huwag na nating hintaying bumalik si Garci, este mali, ang killer lamok na umalis ng Pinas pala para sugpuin ang mga ito. Ano kaya ang masasabi ni DENR Secretary Mike Defensor sa killer lamok?
Dapat kasi ang DENR at DOH ay magkasangga pagdating sa ganitong isyu dahil sila ang concern todits.
Sa dumi at kababuyan ng kapaligiran siyempre ang taumbayan, barangay, DENR, ang concern samantala pagdating sa mga sakit na nakakamatay tulad ng dengue siyempre ang DOH ang bida todits.
Kaya ko naman tinatawagan ng pansin ang dalawang walang kakuwenta-kuwentang ahensiya ng gobyerno na tumulong sa mamamayan regarding dengue issue. Bato-bato sa heaven, ang tamaan dehins dapat magalit! Trabaho lang boys, walang personalan, tama ba Kabayan.