Walang takot magbulaan
August 9, 2005 | 12:00am
TURO ng Diyos, nakakapagpalaya ang katotohanan. Pangaral ng lahat ng magulang, huwag magbulaan ang anak. Pero may mga sinungaling pa rin.
Ano pa ang maitatawag natin kay Richard Garcia, jueteng witness sa Senado, kundi "sinungaling". Lumitaw siyat nag-sorry sa Unang Pamilya sa pagdawit sa kanila sa jueteng. Binabagabag na raw siya ng konsensiya sa pagbayad ni Sen. Ping Lacson na idiin ang mga kalaban sa pulitika. Kaya ngayon, sa katotohanan na lang daw siya.
Mahirap nang pagtiwalaan si Garcia. Sumumpa siya sa Senado na magsasabi ng pawang katotohanan lamang. Ngayon, sinasabi niya na kabulaanan lang ang testimonya niya. E kelan pa siya magsasabi ng totoo?
Walang pinagkaiba si Garcia kina Ador Mawanay, Udong Mahusay at Sgt. Vidal Doble. Pareho sila sumumpa sa Senado. Ani Mawanay, alam daw niya ang mga secret dollar deposits ni Lacson sa Amerika. Pero nang patalsikin ng ISAFP mula sa protective custody dahil niloko ang ilang sundalo at kapwa-witness sa pagbenta ng cell phones, lumipat sa kampo ni Lacson at bumaligtad. Pilit pang siniraan ang matuwid na testimonya nina Mary Ong, Remus Garganera at iba pang nagdiin kay Lacson sa drug trafficking, murder at kidnapping.
Si Mahusay, nung unay tao ni First Gentleman Mike Arroyo na, nang masibak, ay lumipat kay Lacson. Nilantad niyang may secret multimillion-peso deposits si Mike sa alyas Jose Pidal. Tapos, bumaligtad muli, bumalik kay Mike, at sinabing tinakot lang siya ni Lacson.
Si Doble, lumalabas na nag-illegal wiretap kay Virgilio Garcillano ng Comelec. Nang mabisto, idiniin si dating NBI deputy director Sammy Ong, na tao ni Lacson. Kesyo binayaran lang siya ng P2 milyon.
Teka, bakit pa si Lacson ang nasa gitna ng mga sinungaling na ito? Simple, kasi sinungaling din siya. Birds of the same feather flock together, ika nga. Di bat itinanggi ni Lacson na siya ang nag-udyok kina Garcia, Wilben Mayor at Sandra Cam? Ngayon, inaamin na niya dahil sa detalyadong kuwento ni Garcia kung paano nila siya nilapitan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest