^

PSN Opinyon

Editoryal - Maraming malnourished na bata sa ARMM

-
DAPAT maging prayoridad nang mahahalal na governor ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) ang kalagayan ng mga kawawang bata sa kanyang nasasakupan. Kahapon idinaos ang election sa ARMM na kinabibilangan ng mga probinsiya ng Maguindanao, Lanao del Sur, Sulu, Tawi-Tawi at Basilan. Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang ARMM ang may pinaka-mataas na bilang na kaso ng mga malnourished na bata. Sinabi ni DSWD Sec. Lualhati Pablo na ang mga nangyayaring kaguluhan sa Mindanao ang pangunahing dahilan kung bakit may mga malnourished na bata roon. Madalas silang mag-evacuate kapag may nagaganap na sagupaan ng military at mga rebelde. Laganap din aniya ang kahirapan. Ang mga magulang ng mga bata roon ay walang permanenteng trabaho.

Matagal na ang problemang ito at marami na ring Presidente ng bansa ang umokupa sa Malacañang subalit ang problema ay nananatilng problema. Marami na ring DSWD ang nagsilbi subalit walang nagawa para malutas ang problema ng malnutrisyon at kahirapan sa ARMM. Ang ARMM ay nilikha noong 1989 sa pamamagitan ng Republic Act 6734 ay may hurisdiksiyon sa administrative organizations, family relations, natural resources, economic at social and tourism development. Pero sa kabila niyan, patuloy pa rin ang kaguluhan doon sapagkat marami ang ayaw pasakop sa ARMM. Gusto’y magkanya-kanya kagaya ng ginawa ni dating ARMM Gov. Nur Misuari na sa halip paunlarin ang kanyang nasasakupan ay ang sarili muna ang inuna. Walang nagawang kaunlaran si Misuari sa nabanggit na rehiyon. Tinuruan pang magrebelde ang mga taga-roon.

Sagad sa kahirapan ang buhay ng mga taga-ARMM na lalo pang pinalubha nang walang tigil na pagsasabog ng lagim ng mga teroristang Abu Sayyaf. Iniiwasan ang nasabing rehiyon sa takot na makidnap at mapatay ng mga walang kaluluwang Sayyaf na pera lamang ang hanap. Hangga’t hndi nauubos ang mga Abu Sayyaf hindi magkakaroon ng katahimikan sa Mindanao.

Hindi masisisi ang dating US Embassy Charge’ d’ Affaires na si Joseph Mussomeli nang ilarawan ang bansa na tulad ng Afghanistan dahil sa grabeng kahirapan. Sinabi ni Mussomeli na walang nangyayaring pagbabago sa Mindanao dahil sa kakulangan ng educational opportunities at dahil na rin sa pananatili ng mga foreign Islamic terrorists.

Malaking hamon sa ihahalal na ARMM governor ang kinabukasan ng mga bata sa kanyang nasasakupan. Unahin ang problemang ito.

ABU SAYYAF

ARMM

AUTONOMOUS REGION

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

EMBASSY CHARGE

JOSEPH MUSSOMELI

LUALHATI PABLO

MINDANAO

MUSLIM MINDANAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with