Ang stress ay numero unong sanhi ng pagtaas ng presyon. Napatunayan na ang mga problema na nagdudulot ng bagabag, pangamba at takot ang pangunahing dahilan ng high blood.
Ipinapayo sa mga nagpapakuha ng presyon na dapat na relax sila para makuha ang tamang pagbasa. Dapat ding makapagpahinga sila bago magpa-presyon. Ang 140 over 100 ay tinatawag na grade one hypertension pero kapag sa loob ng tatlong beses na kuhanan at hindi pa rin bumababa ang BP ay dapat nang magpa-check up sa doktor.
May mga kaso na ang presyon ay 180 over 100 na hindi pinapansin at ito ang pinagmumulan ng atake sa puso. May mga kaso rin na nagbabara o pumuputok ang maliliit na ugat sa batok kaya nagkakaroon ng stroke.
Payo ng mga doktor na iwasan ang paninigarilyo pag-inom ng sobrang alak at mga pagkaing maalat at mamantika para hindi ma-high-blood. Panatilihin ang tamang timbang kaya importante na mag-exercise araw-araw. Bago mag-ehersisyo magpa-check up muna sa doktor.