^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Ipasuri ang utak ng mga testigo

-
BALAK nang itigil ng Senado ang imbestigasyon sa jueteng payola. Ito ay pagkaraang humagulgol at humingi ng tawad kay President Arroyo ang jueteng witness na si Richard Garcia. Pinuwersa raw siya ng mga taga-opposition na idawit ang pamilya ni Mrs. Arroyo sa jueteng payola. Pero kahit na humagulgol na wala namang tumulong luha, mariin naman niyang sinabi na hindi niya binabawi ang mga nauna niyang sinabi sa Senado na tumanggap ng payola ang mga miyembro ng First Family. Ano ba ito? Anong ipinagso-sorry niya sa Presidente?

Sa nangyaring pagbibigay-bawi ng iyaking si Garcia, balak na ngang itigil ng Senado ang inquiry sa jueteng na hindi naman nararapat. Paano malalaman ang katotohanan kung ititigil ang imbestigasyon? Paano mapaparusahan ang mga nagkasala kung ititigil dahil may humagulgol na bumawi o nag-sorry sa nagawang pagtestigo.

Ituloy ang imbestigasyon sa jueteng para may marating. Pero sa susunod, bago tumanggap ang Senado ng mga bitbit na testigo ay ipasuri muna ang utak para makasigurong hindi lamang nagsasayang ng panahon at pera sa inquiry. Ipaeksamin muna sa psychiatrist kung may tililing ang bitbit na witness.

Humagulgol si Garcia at nagsorry kay Mrs. Arroyo. "Madame Gloria, sorry po. Hindi ko alam na aabot sa ganito ang lahat. Ang gusto lamang namin ay ma-eliminate ang jueteng…" sabi niya at idinagdag na nakonsensiya siya. Gusto raw ng oposisyon na idawit ang First Family bago sumapit ang impeachment trial ni Mrs. Arroyo pero wala raw siyang alam dito. Pinipressure raw siya ng mga senador sa oposisyon na kinabibilangan nina Panfilo Lacson, Aquilino Pimentel Jr., Jinggoy Estrada at Jamby Madrigal. Itinanggi ng mga nabanggit ang sinabi ni Garcia.

Si Garcia, kasama pa ang mga jueteng witness na sina Boy Mayor, Abe Riva at Sandra Cam ay binitbit ni Dagupan-Lingayen Archbishop Oscar Cruz sa Senado. Walang preno nilang inilahad ang nalalaman sa jueteng payola na kinasasangkutan ng mga miyembro ng First Family. Pero bumaligtad na nga si Garcia. Kahit na sinabing hindi niya binabawi ang unang naipahayag, iisa pa rin ang ibig sabihin ng kanyang pagso-sorry kay Mrs. Arroyo – na binabawi na niya ang mga sinabi. Kasunod nang paghagulgol at pagsorry ni Garcia nagpahiwatig siya kina Mayor at Cam na gayahin din siya – tularan din siya.

Hindi dapat itigil ang imbestigasyon sa jueteng kahit na magbaligtaran o magsipaghagulgol pa ang mga witness na animo’y may mga tililing.

vuukle comment

ABE RIVA

AQUILINO PIMENTEL JR.

BOY MAYOR

FIRST FAMILY

GARCIA

JUETENG

MRS. ARROYO

PERO

SENADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with