^

PSN Opinyon

Sadista si Ma'm

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
BERDUGO ang dating ni Rachel Cantos kung ang mga kuwago ng ORA MISMO ang tatanungin dahil sa ginawang pagmaltrato sa isang 13 year old student na nag-aaral diyan sa Avelino Librada Elementary School diyan sa Gagalangin, Tondo.

Si Cantos, isang matandang dalaga ay titser ni Ria, grade 6 pupil nito.

Nagsumbong sa mga kuwago ng ORA MISMO ang kasambahay ni Ria tungkol sa mga kalupitan ng kanyang teacher.

Ayon sa sumbong para daw sinakluban ng demonyo si Cantos habang pinagmamalupitan si Ria.

Nagtamo ng dalawang latay sa binti ang pobreng student mga pasa sa katawan.

Sumasakit ang ulo ni Ria dahil sa ginawang pagyugyog sa kanyang ulo sanhi ng pagsabunot.

Matindi si Ma’m ika nga ng mga kuwago ng ORA MISMO masahol pa ito sa gestapo.

Hindi lang isa o dalawang beses nasaktan ang kawawang estudyante noong nakaraan Hulyo ay pinagsasampal pala ito kaya lang dehins siya nagsumbong sa kanyang family.

Imbes na matuto ang kawawang bata ay na trauma ito kada makikita ang malupit na maestra.

Naghahanda ang mga kamag-anak ni Ria ng reklamo versus Cantos.

Administrative at criminal case pala ang gustong isampa ng pamilya nito.

Sabi nga, child abuse!

Ang ganitong teacher ay dapat huwag ng bigyan ng pagkakataon makapagturo lalo’t mga bata ang tinuturuan.

Tiyak wala silang matututunan dahil malupit pa kay Satanas ang kanilang teacher.

‘‘Saan kaya nagmana si Cantos ng kalupitan?’’ tanong ng kuwagong Iraqi.

‘‘Kung mali o may kasalanan man nagawa ang kanyang mga students puwede itong ituwid sa magandang paraan at hindi iyong bubugbugin niya ang mga bata’’ sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘Ang ganitong teacher ay dapat sipain sa eskuwelahan at huwag ng bigyan ng pagkakataon’’ nagagalaiting sabi ng kuwagong Kotong cop.

‘‘Diyan kamote tama ka!’’

AVELINO LIBRADA ELEMENTARY SCHOOL

AYON

CRAME

DIYAN

GAGALANGIN

HULYO

IMBES

RACHEL CANTOS

SI CANTOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with