^

PSN Opinyon

Isang pribilehiyo

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -
SI Zorayda ay ang halal na alkalde ng kanilang bayan sa Lanao del Norte. Dalawang buwan pa lang sa puwesto nireklamo na siya ng ingat-yaman ng bayan sa Sangguniang Panlalawigan dahil sa umano’y tiwaling asal, di pagiging tapat, panlulupig at pag-abuso sa kapangyarihan.

Pagkatapos ng paglilitis, nagdesisyon ang Sanggunian na may sala nga si Zorayda ng grabeng katiwalian ng asal at pag-abuso sa kapangyarihan. Kaya sinuspinde siya ng anim na buwan.

Kinuwestiyon ni Zorayda ang desisyon ng Sang- gunian sa pamamagitan ng isang petisyon sa Court of Appeals at hiniling dito na maglabas ng utos sa pagpigil (writ of certiorari, prohibition and mandamus) sa Sanggunian sa pagpapatupad ng desisyon nito. Ngunit tinanggihang magbigay ng CA ng nasabing sulat utos o writ. Sabi ng CA, dapat daw umapila muna si Zorayda sa tanggapan ng Pangulo bago dumulog sa Korte. Tama ba ang CA?

TAMA PO.
Ayon nga sa Local Government Code (Section 61[b] and 67 [b]) may remedyo pa si Zorayda na umapela sa Tanggapan ng Pangulo. Ang certiorari, prohibition ro mandamus ay hindi maigagawad ng korte kung may iba pang sapat na lunas na maaaring gamitin ng isang partido.

Dahil nga puwede pang umapela si Zorayda sa Tanggapan ng Pangulo, hindi pa siya dapat nagpunta sa CA. (Balindong vs. Dacalos et.al. G.R. 158874, November 10, 2004).<

vuukle comment

AYON

BALINDONG

COURT OF APPEALS

DACALOS

LOCAL GOVERNMENT CODE

PANGULO

SANGGUNIAN

SANGGUNIANG PANLALAWIGAN

TANGGAPAN

ZORAYDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with