Dahil abala siya noon sa paghahanapbuhay kaya napabayaan niya ang kanyang dental care. Dahil sa sobrang sakit ng kanyang mga ngipin kaya nagpasya siyang ipabunot lahat na nagresulta naman sa unti-unting pagnipis ng kanyang gilagid at paghumpak ng mukha. Dahil diyan nagmukha siyang matanda. Kahit 60 years old lang, nagmukha siyang 80 anyos. Problema rin niya ang kanyang pustiso na malimit palitan dahil lumuluwag at nahuhulog sa tuwing siyay nagsasalita at kumakain.
Ipinaliwanag ng leading orthodontist, Dr. Noel Velasco, kilala bilang si Dr. Novel, na dahil sa multiple extraction kaya mas matandang tingnan si Mang Fred at ang tanging remedyo ay ang gum-bone-tooth implant.
Naobserbahan ko ang pagto-tooth implant ni Dr. Novel kay Mang Fred. Katulong niya ang mga assistants niyang dentista na sina Dr. Jennifer Jimenez, Dr. Jewel Cruz at Dr. Hibel Talindong.
Sinabi ni Mang Fred matapos ang tooth implant, hindi siya nasaktan. Balewala lang ang mabilis na tooth implant.
Makokontak si Dr. Novel sa 913-4917 at 0917-8542274. Sa mga taga-Angeles, Pampanga magsadya kayo sa Stall 58 Bayanihan Park, Clarkfield, Pampanga, tel. 045-8920952.