^

PSN Opinyon

GMA hadlang sa Charter change

SAPOL - Jarius Bondoc -
NOONG 1997 pa, nang mag-sampung taon ang Konstitusyon, pinag-usapan na ang pag-amyenda rito. Nabatid kasi na hindi akma ang presidential system, kung saan multi-party ang umiiral imbis na dalawang partido lang. Nagiging pasikatan na lang ang halalan, imbis na tagisan ng plataporma para sa Presidente na ubod ng kapangyarihan. Nabatid ding hindi akma ang unitarian form, kung saan nasesentro sa Maynila ang pamamahala. Napapabayaan tuloy ang kaunlaran ng ibang rehiyon.

Bukod sa marami pang ibang puna sa Konstitusyon, pinanukala ang pagbago tungo sa parliamentary system at federal form. Sa parliamentary, hahalal lang ng mga representante kada distrito, na siya namang hihirang ng Prime Minister. Mula rin sa mga representante hihirang ang PM ng mga miyembro ng Gabinete. Sa federal, magkakaroon ng sari-sariling parliament ang bawat rehiyon, na may poder na magpasa ng sari-sariling batas at regional budgets. Mapapailalim lang lahat sa national parliament sa larangan ng defense, foreign policy at iba pang usaping pambansa.

Isinulong ang Charter change nu’ng mga huling buwan ng termino ni Fidel Ramos. Naudlot dahil pinaghinalaan siyang nagbabalak lang palawigin ang termino. Sinubukan muli ni Joseph Estrada mag-Charter change; bumuo pa nga siya ng komisyon para pag-aralan ang mga dapat na amyenda. Naudlot muli dahil na-impeach at nag-resign siya. Binara ni Gloria Arroyo nu’ng una ang Charter change; wala naman daw problema sa Konstitusyon. Nagbago ang isip niya nu’ng kampanyang 2004; sinama niya ito sa kanyang plataporma. Naudlot muli nang manalo siya. Tinuon niya ang pansin sa fiscal deficit at bagong buwis.

Ngayon, dahil sa jueteng at Gloria-gate scandals, 72% ng Pilipino ay nais nang umalis si Arroyo. Mai-impeach na siya at maari pang mapatalsik kung mapatunayang nagkasala. Binuhay na naman ang Charter change, pero para lang magkaroon siya ng graceful exit. Puputulin na lang ang termino niya sa ilalim ng isang bagong Konstitusyon, para hindi na litisin. Nasira ang esensiya ng Charter change; naging pakanang politikal na lang.

BINARA

BINUHAY

FIDEL RAMOS

GLORIA ARROYO

JOSEPH ESTRADA

KONSTITUSYON

LANG

NABATID

NAUDLOT

PRIME MINISTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with