^

PSN Opinyon

Bastos na Lolo Customs sa Duty Free Phiippines

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
HINDI yata tinuruan ng good manners and right conduct ni Ely Calleja, bossing ng Bureau of Customs sa Duty Free Philippines ang kanyang galamay na lolong Customs kasi nambastos ito ng isang beautiful girl sa harapan ng sangkatutak na shoppers. Last Tuesday night nangyari ang kabastusan ni Lolo Customs sa bebot.

Sa kahihiyan nagngangawa si Ms. Ganda babae dahil hindi nito maubos maisip na magagawa ng isang senior citizen na kelot ang tarayan ang isang girl. Mas masahol pa pala sa imburnal ang amoy ng bunganga nito habang sinisinghalan ang tsik. Sabi nga, bad breath pa! Hindi siguro nagto-tooth brush ng floorwax si granny?

For your information, kamote puwede kang kasuhan ng bebot na binastos mo sa Office of the Ombudsman. Conduct unbecoming of a public official ang dapat isampa sa iyo kamote. Dapat ang ganitong mga damatan na arogante at bastos na tauhan ng gobyerno ay huwag nang bigyan ng pagkakataon para humarap sa mga tao sa Duty Free Philippines. Ang mga ganitong bastos na empleado ng gobyerno ay dapat i-confine na lamang sa loob ng office para anino lamang nila ang kanilang makita.

Hindi biro ang shoppers sa DFP noong Martes libu-libo sila kasi umpisa ng peso power sa nasabing lugar.

‘‘Anong peso power?’’ tanong ng kuwagong maninisip ng tahong.

‘‘Fifty pesos ang US$1.00 hindi P56.00,’’ sagot ng kuwagong pulis na naglalanggas ng galis.

‘‘May discount ika nga,’’ sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘Ano ang konek nito kay lolo Customs?’’ tanong ng kuwagong mangongotong.

‘‘Maraming people kaya huwag siyang bastos.’’

‘‘Kung may problema siya kay beautiful girl puwede naman niyang kausapin ito ng sarilinan.’’

‘‘Bastos nga eh!’’

‘‘Iyan kamote ang dapat sibakin.’’

ANO

ANONG

BUREAU OF CUSTOMS

CRAME

DUTY FREE PHILIPPINES

ELY CALLEJA

LAST TUESDAY

LOLO CUSTOMS

MS. GANDA

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with