^

PSN Opinyon

Saludo ako sa'yo Sr. Insp. Dominador Arevalo

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
KAHANGA-HANGA ang katapatan na ipinamalas ni Police Senior Inspector Dominador Arevalo ang kasalukuyang hepe ng Manila Police District-Homicide Division sa mga biktima ng karahasan, he-he-he! Na dapat tularan ng buong kapulisan upang maibalik ang pagtitiwala ng sambayanan.

Mantakin n’yo mga suki. Apat na beses na nagsauli ng pera si Arevalo na may kabuuang P23,797,036.00 sa mga tunay na may-ari ng naturang pera. Bagamat na-aantala ng ilang araw ang pagsasauli ngunit nakakasiguro naman sila na maibabalik ito sa kanila matapos ang masusing imbestigasyon at masampahan ng asunto ang mga salarin sa korte.

Unang naisauli ang salaping may kabuuang P16,687,036.00 sa JPSA Global Service engage in messengerial and remittances of Overseas Filipino Workers nang tambangan ng mga pinaghihinalaang holdaper sa may panulukan ng Bambang at Severino Reyes St., Sta. Cruz, Manila noong April 2004 dakong 10:45 ng umaga.

Dalawa sa mga empleyado nito ang agad namatay nang pagbabarilin ng may pito katao ang sinasakyan ng mga biktimang kinilalang sina Pedro Cuartero, Driver/messenger at Cleofe Nada, messenger. Hindi kaagad na- itakas ng mga salarin ang salapi ng magsulputan ang mga tao at mabilis na pagresponde ng kapulisan mula sa Mobile Division. Subalit, may isang bag na kinalalagyan ng salapi ang pinagkaguluhan sa isang iskinita ng mga pedicab driver nang maiwan ng isang holdaper na sugatan sa pakikipagpalitan ng putok sa mga pulis.

Sa ikalawang pagkakataon, noong May 13, 2004 hinoldap ang mga messenger ng EDZEN Money Changer dakong 11:28 ng umaga na ikinasugat ng isa sa may panulukan ng Mayhaligue at Severino Reyes St., Sta Cuz, Manila, nakarecover ng mga tapat na tauhan ni P/Sr Insp. Arevalo sa naturang kri- men ang may kabuuang P4,700,00.00. Matapos ang masusing imbestigasyon at agad namang isinauli ang naturang salapi sa may-ari na si Mrs. Zenaida M. Artuz.

Noong unang linggo ng Hunyo ng hapon hinarang ng may tatlo hanggang lima katao ang sasakyan ng Carlos Gothong Lines na may dalang Payroll money sa kahabaan ng Delpan Bridge sa Tondo, Manila. Napatay ang isa sa mga holdaper matapos na maaktuhan ng mga nagpapatrulyang pulis at naaresto ang dalawa pang kasama na kinilalang sina Jeffrey Tamba y Domingo at Jocel Elmibulan y Olarte. Matapos ang imbestigasyon agad namang isinoli ang perang may kabuuang P1,700,000.00 sa kompanya ng Calos Gothong Lines.

At noong Hulyo 14, 2005 muli na namang ipinamalas ni Arevalo ang kanyang katapatan ng kanyang personal na isauli ang perang may kabuuang P710,000.00, gold Rolex watch, Nikon digital camera, cellular phone at mga importanteng dokumento sa kaanak ng biktimang si Imamura Kazuya isang Japanese National na aksiden- teng nahulog sa ika-14 na palapag ng isang gusali sa Malate, Manila.

Ang lahat ng itoíy ginawaran ng papuri at rekomendasyon ng buong tropa ng Manila Police District sa pamumuno ng kaibigan kong si P/Chief Sup. Pedro Bulaong at Manila Mayor Lito Atienza. Ayon kay Arevalo trabaho lang ito na dapat na gampanan ng isang hepe dahil na rin sa tulong at pagiging matapat ang kanyang mga tauhan.

Bagamat maraming mga pulis ang sumisira sa imahe sa hanay nila, nakahanda naman silang ibangon ito sa pamamagitan ng kahit na maliit na bagay lamang na maituturing.

Ang naiaambag nilang katapatan sa serbisyo.

Palakpak naman dyan mga suki, he-he-he! Saludo ako sa’yo Sir at sa lahat mong tauhan. Dumami pa sana ang lahi ninyo.

vuukle comment

AREVALO

BAGAMAT

CALOS GOTHONG LINES

CARLOS GOTHONG LINES

CHIEF SUP

CLEOFE NADA

DELPAN BRIDGE

GLOBAL SERVICE

SEVERINO REYES ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with