^

PSN Opinyon

Kartel sa likod ng industriya ng medisina

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
PATULOY ang pamamayagpag ng mga sindikato sa likod ng mga pekeng gamot hangga’t hindi bumababa ang presyo ng mga pangunahing medisina sa merkado.

Gumagawa ng hakbang ang ating pamahalaan sa pamamagitan ng ilang mahahalagang programa tulad ng Botika ng Bayan ng Philippine International Trading Corporation (PITC) ni Sec. Obet Pagdanganan.

Sa proyektong ito, nag-aangkat ng mura, tunay, at de-kalidad na gamot ang PITC mula sa bansang India kung saan higit na mababa ang presyo, di tulad ng kaparehong gamot na mabibili ng mahal sa Pilipinas.

Maging sa ilang bansa sa Asya at Europa ay tinatangkilik na rin ang mga gamot na galing sa India. Ito’y dahil maraming pharmaceutical company sa bansang ito na suportado naman ng kanilang lokal na pamahalaan.

Pero ang problema, hinaharang ng ilang malala- king grupo, partikular na ng Coalition Against Fake Medicine ang programang ito. Ang kanilang dahilan, peke raw ang mga gamot ng PITC dahil hindi rehistrado sa Bureau of Food and Drugs (BFAD).

Sinu-sino ba ang nasa likod ng Coalition? Lumalabas na "territorial" ang labanan ng mga gamot sa ating bansa. Ibig sabihin, kapag hindi ka rehistrado sa BFAD at hindi ka miyembro ng "kartel", peke ka.

Kaya’t kahit magkaparehong brand pa ang gamot, basta’t imported, peke. Lumalabas, talo pa rin ang mahihirap nating mga kababayan. At siguradong panalo ang mga sindikato sa pagpapakalat ng mga pekeng gamot.

Tulad ng ibang produktong pinepeke sa ating bansa, iisa lamang ang nakikita naming problema, ang mataas na presyo nito. Wala itong pinagkaiba sa mga naglipanang pekeng DVD at VCD.

Hangga’t hindi ibinababa ng mga malalaking pharmaceutical company ang presyo ng kanilang produkto, patuloy ang paghihirap ni Juan dela Cruz. Habang naiipit si Juan dela Cruz, patuloy itong kakapit sa mga mura at ‘di siguradong mga gamot.

At habang patuloy ang ganitong kalakaran, tuloy ang pagyaman ng sindikato ng mga pekeng gamot.

ASYA

BAYAN

BOTIKA

COALITION AGAINST FAKE MEDICINE

CRUZ

GAMOT

LUMALABAS

OBET PAGDANGANAN

PHILIPPINE INTERNATIONAL TRADING CORPORATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with