^

PSN Opinyon

‘Alamin ang dahilan sa patuloy na pagkalat ng mga pekeng gamot…’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
PINAG-IINGAT namin ang lahat sa pagbili ng mga gamot dahil patuloy na naman ang pagkalat ng mga pekeng gamot sa ating bansa...

Tuloy-tuloy ang pamamayagpag ng mga sindikatong nasa likod nito. Target nila ang malaking bilang ng mga maliliit at mga independent drug stores na madaling mahulog sa kanilang patibong. Kabilang na rin dito ang mga pribadong klinika at mga doktor…

Suma-tutal, may kabuuang bilang na 17,500 na mga drug stores sa buong bansa. Ito’y ayon sa talaan ng Drug Stores Association of the Philippines (DSAP). 5,000 sa mga ito ang miyembro ng DSAP; 500 ang kabuuang bilang ng malalaking drug stores; at 12,000 ang maliliit at independent drug stores na maaaring napi-penetrate ng sindikato.

Malaking pera ang kinikita ng mga sindikato sa industriya ng mga pekeng gamot. Ayon sa World Health Organization (WHO), mahigit 32 bilyon US dollar ang kinikita taon-taon ng sindikato sa likod ng mga pekeng medisina…

Naging oportunidad sa mga sindikato ang nagtataasang presyo ng mga pangunahing medisina ng mga multi-national pharmaceutical companies sa ating bansa…

Para maiwasan ang paglaganap ng problemang ito, itinatag ng ating pamahalaan ang botika ng bayan ng Philippine International Trading Corporation o PITC. Layunin ng PITC ang mag-angkat ng mga tunay, mura at de-kalidad na gamot mula sa ibang bansa tulad ng india. ito’y upang iben-ta sa mga mahihirap nating kababayan sa pamamagitan ng ‘parallel importation’.

Subalit mahigpit na tinututulan ng Coalition Against Fake Medicine ang ginagawa ng pitc, ang pag-iimport ng mga tunay, mura at de-kalidad na medisina mula sa bansang india.

Ayon kay Sec. Roberto Pagdanganan, kinokontra ng ilang malalaking pharmaceutical companies ang pagpasok ng mga imported na gamot na ibinibenta ng PITC. ‘Counterfeit medicine’ ang tawag dito ng mga malalaking pharmaceutical companies. Hindi peke.

Para sa BITAG, malinaw na monopoly at protectionism ang nasa likod ng ganitong propaganda.

Hangga’t hindi bumababa ang presyo ng gamot sa merkado, patuloy na mamamayagpag ang sindikato ng pekeng gamot.

Iisa lamang ang nakikitang solusyon ng PITC sa problemang maituturo ang sisi sa mga malalaking pharmaceutical companies na pinangangalagaan ang kanilang interes. Kung maibababa lang sana nila ang presyo ng ilang mga pangunahing medisina, mawawala ang problema.

Ito ang dahilan kung bakit namamayagpag ang sindikato ng mga pekeng gamot dahil nakita nilang malaki ang kikitain sa nagmamahalang presyo ng medisina.
* * *
Hotline numbers, i-text (0918) 9346417 o tumawag sa mga numerong ito 932-8919 / 932-5310. Panoorin Bahala si Tulfo, 9:00-10:30 a.m. UNTV, 9:00-10:00 a.m. DZME 1530 kHz.

AYON

BAHALA

COALITION AGAINST FAKE MEDICINE

GAMOT

PHILIPPINE INTERNATIONAL TRADING CORPORATION

ROBERTO PAGDANGANAN

STORES ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

WORLD HEALTH ORGANIZATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with